Aga Muhlach at asawa nitong si Charlene Gonzalez, binisita ang kanyang kaibigang si Willie Revillame sa Puerto Galera

Bahagi na ng ating mga buhay ang mga taong nagsisilbing kaibigan, sandigan at kaagapay natin. Sabi nga nila, no man is an island. Kaya naman, maswerte tayo kapag tayo ay mayroong mga taong pinagkakatiwalaan na nagiging sandalan natin at laging nakasuporta sa atin.

Sa bawat yugto ng ating mga buhay, may mga taong nagiging kabahagi ng ating mga karera sa buhay. Na sila ang nagiging kaibigan natin. Gaya na lamang ng beteranong aktor na si Aga Muhlach at TV host na si Willie Revillame.

Sila pala ay malapit na magkaibigan mula pa noong 80s. Pareho silang magaling na artista mula noon kaya naman ngayon ay nagkita silang muli matapos ang ilang panahon. Binisita kasi ni Aga Muhlach si Willie Revillame sa kanyang pribadong resort property sa Puerto Galera.

Martes, March 23 nang ipost ni Aga ang mga larawan nila sa private beach resort. Kasama niya nagtungo dito ang maybahay ni Aga na napakagandang beauty queen-host Charlene Gonzalez.

Ayon kay Aga, marami man daw ang mga p@gh!hirap at mga saya na kanilang napagsaluhan sa kanilang karera, hindi pa rin naman nagbago ang kanilang samahan.

“A good friend since the 80s! Puno ng p@ghihirap at Saya ang mga pinagdaanan natin din. Happy for what you’ve become, Willie. Continue to do what you do best, tumulong at magpasaya ng tao. Nice seeing you again! God bless you my friend. Cheers! Your turn to visit us soon! 🥂 #sahirapatginhawa 😊 @willrevillame @itsmecharleneg,” saad ni Aga sa kanyang IG post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aga Muhlach (@agamuhlach317)

Makikita sa mga larawan sa IG na masayang nag-uusap si Aga at Willie. Malamang ay binabalikan nila ang kanilang mga napagdaanang mga past experiences. Maging ang kanilang mga future plans sa buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aga Muhlach (@agamuhlach317)

Sobrang proud naman si Aga sa kanyang kaibigang si Willie kung paanong nakakatulong siya sa lahat ng mga Pinoy na nangangailangan, sa show man niya ito o sa ibang paraan.