Aiai Delas Alas, proud na proud sa anak na si Sophia na nakapagtapos ng kolehiyo sa isang prestihiyosong paaralan

Proud mommy ang TV host at komedyanteng si Ai-Ai Delas Alas sa kanyang anak na si Sophia Andres Delas Alas. Opisyal na kasing nagtapos sa kolehiyo si Sophia sa kursong Bachelor of Science Major in Early Childhood Education.

Credit: @sophdelasalas instagram

Kaya naman, talagang di mapigilan ni Ai-ai ang kanyang tuwa at ibinhagai niya ang kanyang pagbati sa anak sa social media. “Una sa lahat CONGRATULATIONS aking bunso at only daughter ko (Bachelor of Science Major in Early Childhood Education graduate) SOPHIA ANDREA DELAS ALAS at gagraduate na sya sa wakas wohoooo,” saad ni Ai-ai sa kanyang post.

Credit: @sophdelasalas instagram

Lubos namang nagpapasalamat si Ai-ai sa Panginoon dahil sa kanyang gabay at mga blessings sa kanila.
“Nag papasalamat ako sa POONG MAYKAPAL AT MAMA MARY sa pag gabay sa akin bilang isang ina na maitaguyod ko ang pag aaral ng aking anak .. naiiyak ako sa tuwa aktwali naiiyak talaga ko so iiyak nako hehe,” dagdag pa niya.

Credit: @sophdelasalas instagram

Iba daw ang pakiramdam na ito. Akala mo daw ay nakatanggap siya ng international acting award dito. “Parang nabigyan ulit ako ng papal award at international acting award sa nangyareng ito sobra sobrang trophy ito anak … bawat magulang ay yan ang pangrap ang mapagtapos ang kanilang mga anak,” patuloy pa nito.

Credit: @sophdelasalas instagram

Lubos din siyang nagpapasalamat sa ama ng kanyang anak na si Miguel Vera.
“Nag-papasalamat din ako kay miguel (papa ni budang) at sa kanyang maybahay na si pricilla dahil noong wala pa kaming bahay sa amerika doon tumira ang anak ko habang nag aaral sya ng hschool at first year college salamat @priscillasalud,” pasalamat pa niya.

Credit: @sophdelasalas instagram

Kaya naman, walang kapantay daw ito. At isang regalo para sa kanya ang kanyang diploma.

“Napa ka agang pang valentines at pa bday ni lord ito pa ra sa akin .. salamat DLSU sa ilang taong pamamalagi nya sa unibersidad na yan … iam so proud of you baby girl budangdin, budang kulotski,budaski .. andrea .. i love you so dearly anak @sophdelasalas .. ANIMO LASALLE.”

Credit: @sophdelasalas instagram

Kahit sino nga namang magulang ay matutuwa at magiging masaya na makita ang kanilang anak na makatapos sa kanilang pag-aaral. Pagbati para kay Sophia at sa kanyang inang si Ai-ai.