Aiai Delas Alas, sinabing kahit sobrang sikat na ay napakabait at magalang parin kausap

Ibinahagi ng kapuso comedian na si AiAi noong sabado, ika-22 ng Agosto taong kasalukuyan, ang screenshot ng kanilang palitan ng pag-uusal ng kpop idol na si Sandara Park.

Credit: Sandara Park instagram

Mula sa litrato ng “Mang Tae n!ghtmare catcher doll” na sinend ni AiAi sa kpop Idol, ito ay mula sa Kdrama series na Its Okay Not to be Okay na sobrang sikat ngayong panahon, kung saan si Kim Soo Hyun at Seo Ye Ji ang naitampok sa palabas.

Credit: Sandara Park instagram

Ayon sa post ng actress-comedian,”Sobrang ang saya saya ko. Kasi follow ko si kim soo hyun nung isang araw tapos nakita ko name ni sandara kaya follow ko sya.”
“Kinamusta ko sya nagulat ako sumagot kasi super sikat ma sikat na sya sa korea icon na nga sya pero napakabait pa rin na bata. may opo pa din sumagot.”

Credit: Aiai Delas Alas instagram

Sa huling bahagi ng kaniyang IG post, sinabi ni AiAi;”Baby girl salamat sa tsika at salamat napaka bait mo pa ding bata… may GOD BLESS YOU MORE AND MORE ..
Take care always be safe and i love you baby girl.. sorry sa storbo para kay mang tae doll.. hahaha tawa sya saken ako din bigla oo nga ano ba yan nakita ko kasi kay gabbi garcia natuwa ako … basta thank you sa kabaitan mo @daraxxi.”


Nagkasama na ang dalawa noon sa superhero movie ng comedy queen na Volta, at iba pang palabas. Ito ay nang manalo si Dara sa isang artista church na Star Circle Quest.
Kalaunan ay naging isang sikat na kpop idol si Sandara na kilala na ngayon bilang Dara, mula sa kpop gurl group na 2NE1.

Credit: Sandara Park instagram

Lubusang ikinatuwa ito ng mga netizen, ang ilan sa mga komento ay; “Sobrang humble na tao.””Mabuti naman at di sya nakalimot sa pinanggalingan nya.””True… Nakakaproud maging fan ni Sandara.”Haha cute! Naalala ko tuloy dating rumors ni Dara and Kim Soo Hyun nung 2015.”

Credit: Aiai Delas Alas instagram