Source: GMA Public Affairs Youtube
Masayang ibinida ng 59 years old actor na si Albert Martinez ang kanyang mga nagagandahang classic car collection sa programa ng Tunay na Buhay. Ibinahagi ng aktor na mayroon na itong dalawaput isang car collection sa kasalukuyan na nakuha niya mula sa katas ng showbiz o pag aartista.
Source: GMA Public Affairs Youtube
Ikuwento ni Albert na bata pa lamang ay pinapanagarap na niya na magkaroon na mga classic na kotse particular ang Mercedez Benz SL. Ngayon ay shared hobby na sila ng kanyang unico ijo na si Alfonso Martinez na malayang gamitin ang alinman sa dalawput isang koleksyon nito.
Source: GMA Public Affairs Youtube
Kwento pa ng actor na 1995 ng magumpisa itong mangolekta gamit ang kanyang mga sahod sa showbiz at hindi nito namalayan na ganun na karami ang naipundar niyang sasakyan.
Source: GMA Public Affairs Youtube
Dahil sa dami ng sasakyan, ang iba ay nasa garahe ng kanyang kaibigan sa Bulacan na kapareho rin niyang mahilig sa mga classic na kotse. Paglilinaw ni Albert na lahat ng mga ito ay in good condition dahil lahat ay sinisiguro niyang well maintained.
Source: GMA Public Affairs Youtube
Maliban sa pagka hilig sa kotse, off roading at hiking din daw ang nagsisilbing bonding nila ng kanyang pamilya. Unang nakilala si Albert noong taong 1980 kung saan gumanap siyang bilang Glenn sa isang GMA teleserye series na Anna Liza na pinagbidahan ng l@te actress na si Julie Vega.
Source: GMA Public Affairs Youtube
Tunay na maganda ang naging takbo ng buhay showbiz ni Albert at talaga namang namayagpag ng husto ang kanyang pangalan, kung kaya hindi maipagkakaila na marami itong naipundar mula rito.
Source: GMA Public Affairs Youtube
Source: GMA Public Affairs Youtube
Bukod sa pag aartista, isa na rin itong magaling na director ngayon. Sa katunayan ay nasungkit pa nito ang MMFF Entry “59th Famas Best Director” para sa pelikulang Rosario noong taong 2010.
Huling napanood ang aktor noong taong 2019 at 2020 sa television series ng ABS CBN na Kadenang Ginto at The General’s Daughter.
Source: GMA Public Affairs Youtube