Aktres na si Angelica Panganiban, may nakakakilig na mensahe para sa kaarawan ng nobyo na si Gregg

Mahal na mahal nga naman ng mga Pinoy ang aktres na si Angelica Panganiban. Mula pa man noong bata siya hanggang ngayon na siya ay nagka edad na, ay sinusubaybayan at mas lalo pa siyang minahal ng mga tao.

Credit: Angelica Panganiban instagram

Maging ang lovelife niya ay alam ng mga Pinoy lao na ng mga fans. Open book si Angge sa kanyang love life. Hindi ito sikreto sa mga tao. Ilang heartbr3@ks na ang kanyang napagdaanan pero hanggang ngayon ay standing str0ng pa rin siya.


Credit: Angelica Panganiban instagram

Kaya naman, sa kaarawan ng kanyang boyfriend ngayon na si Gregg Homan ay ibinahagi ni Angge ang napaksweet na message na ito,
“iamangelicap Sa hindi inaakalang pagkakataon, ngunit tinakda ng panahon, nakilala ko ang isang tao na nag bigay kasagutan sa lahat ng bakit ko noon.

Credit: Angelica Panganiban instagram

Maligayang bati sa’yong kaarawan mahal ko. Araw araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin,” saad ni Angelica. Napakasweet nga naman ni Angelica. Makikita mo nga naman talaga mahal na mahal nila ang isa’t isa.

Credit: Angelica Panganiban instagram

Siguradong buo ang kaarawan ni Gregg dahil sa napakasarap na mga salita at mensahe na ito ni Angelica sa kanya. Kilig na kilig naman ang mga netizens. At marami sa mga fans na nagmamahal kay Angge na nagsasabing, sana ay siya na nga daw talaga.

Narito ang kanilang mga komento:
“Tiwala Lang mahahanp din natin ang kasagutan Kung bakit ngun ka Lang Anyway congrats angge 🙂🙂” “A angie wishing you all the happiness in life❤❤❤”
“I wish u well angelica, sana totoo siya sa iyo. 🤞🏻 Stay strong angge deserve mo Yan girl”

“Khit tlga anong s@kit ng pinagdaan mo dati sa Love darating at darting yung tunay na magmamahal sayo .. Yung lhat ng bakit at tanong mo sa taas sasagutin bigla..”
“madalas talaga kapag hawig yun yung mabuti para sayo. pansin ko lang. hawig sila 😊💖”