Aktres na si Arci Munoz, pinahanga ang mga fans dahil sya ay isa na ngayong “Sergeant” ng Philippine Airforce Reserve Command

Tayong lahat ay may kani-kaniyang paraan para magsilbi sa bayan. Ang simpleng pagsunod at pagiging responsableng mamamayan ay isa ng malaking ambag sa bayan. Sa iba naman, ang pakikilahok sa iba’t ibang mga organisasyon para sa ikabubuti ng ating bansa ay ang kanilang paraan.

Credit: AFRC Laang Kawal Page Facebook

Gaya na lamang ng napakagandang aktres na si Arci Munoz. Mula sa kanyang mga pelikula at teleserye, ay pinahanga niya ang marami lalo na ang kanyang mga fans.

Credit: AFRC Laang Kawal Page Facebook

Bukod naman sa pagiging isang magaling na aktres, isa ding masigasig at masipag na lingkod bayan itong si Arci. Siya na ngayon ay isang sergeant ng Philippine Air Force Reserve (PAFR) Command na naglilingkod na rin sa Air Force.

Credit: AFRC Laang Kawal Page Facebook

Ibinahagi sa atin ni Arci ang kanyang kwento sa pagpasok at pagsasanay para dito. Marami ang nakakita sa Facebook sa naabot na ito ni Arci dahil nakumpleto na niya ang Basic Citizen Mil!tary Training noong October 25 sa Gaerlan Auditorium, HAFRC, Clark Air Base sa Pampanga.

Credit: AFRC Laang Kawal Page Facebook

Masayang masaya si Arci sa kanyang nakamit at labis siyang nagpapasalamat sa nagsanay sa kanya na 1st Air Reserve Center. Sa loob ng 30 days na training, nagsanay si Arci sa iba’t ibang trainings gaya ng HADR training, marksmanship training, obstacle course, field training exercise (FTX) at iba pa.

Credit: AFRC Laang Kawal Page Facebook

“Maligayang Araw ng Kasarinlan, mahal kong Pilipinas! Ngayon araw din ang aking unang pisikal na pagsasanay bilang kaunaunahang babae sa aking henerasyon at propesyon na sumasailalim sa [Philippine Air Force] reservist BCMT – Basic Citizen Military Training,” masayang pagbabahagi ni Arci.

Credit: AFRC Laang Kawal Page Facebook

Makikita naman ang proud moment na ito ni Arci suot suot na ang kanyang fatigue na uniform at hawak ang kanyang completion certificate.Kaya naman, ineencourage ni Arci ang bawat isa lalo na ang kanyang mga kapwa babae na maginvolve din dito.

Credit: AFRC Laang Kawal Page Facebook

“Hinihikayat ko po ang aking mga kapwa kababaihan na mag-enlist. Marami pong salamat sa aking Philippine air force family. Asahan nyo po ang aking buong pusong dedikasyon at serbisyo,” daag pa ni Arci.Masayang masaya naman ang kanyang fans at mga netizens para sa kanya.

Credit: AFRC Laang Kawal Page Facebook