Aktres na si Bea Alonzo, sinabing gustong gusto na nyang magkaroon ng baby

Isa sa mga pangarap na talaga namang pinapangarap at hinahangad ng bawat isa ay ang magkaroon ng sariling pamilya at sariling anak. Sino nga ba ang naman ang hindi nangarap ng ganito? Na magkaroon ng anak at makapag settle matapos ang ilang taon.

Credit: Bea Alonzo instagram

Hindi nga naman habangbuhay tayong binata at dalaga. Darating din sa oras at panahon na hahangarin natin ang magsettle at lumagay na sa tahimik.

 

Credit: Bea Alonzo instagram

Iyan din naman ang bagay na gustong makamtan at magkaroon ang aktres na si Bea Alonzo. Sa susunod na tatlong taon, nakikita na ni Bea Alonzo ang kanyang sarili na mag settle down at magkaroon ng sariling anak.

 

Credit: Bea Alonzo instagram

Sa vlog ng komedyanteng si Ethel Booba, dito nasabi ni Bea ang isa sa kanyang mga naiisip
at nakikita matapos ang ilang taon na unti-unti ay magkaroon ng pamilya sa darating na panahon.
Malinaw na sinabi ni Bea na gusto na din naman daw niyang mag ka baby.

Credit: Bea Alonzo instagram

“Gusto ko na magka-baby. Kaya sinasabi ko na sa universe, baka sakaling pagbigyan ako,” masayang saad naman ni Bea.

33 years old na rin naman si Bea at kung siya ang tatanungin gusto na daw talaga niyang lumagay na sa tahimik at magkaroon na ng pamilya kasama ang kanyang future husband.
“Gusto ko in 3 years. Kung ako ang tatanungin, if it were up to me, gusto ko 3 years. Pero syempre di nga natin alam ang ano ng buhay,” dagdag pa ni Bea.

Credit: Bea Alonzo instagram

Bukod naman dito, nais na ni Bea na hindi mula sa showbiz ang kanyang mapapangasawa pero sabi nga niya ay hindi naman daw matuturuan ang puso.
“Preferably sana hindi celebrity. [Pero] syempre di mo rin naman mapipili kung saan titibok ang puso mo,” pahayag pa ng aktres.

Credit: Bea Alonzo instagram

Isa naman sa mga naitanong ni Bea kay Ethel kung gugustuhin daw ba niyang maging
surrogate mother ng magiging anak niya. “Ikaw ‘yung magdadala ng baby ko. Pero eggs ko. If given a chance? Tatanggap ka ng surr0gacy?” tanong ni Bea.

Nagbiro namang nagtanong si Ethel kung magkano daw ito kung sakali.
Suportado naman ng mga netizens ang gusto ni Bea na ito lalo na ang magkaroon ng pamilya at anak sa hinaharap.