Aktres na si Beth Tamayo, ikinasal na sa kanyang foreigner boyfriend na si Adam Hutchinson sa amerika

Ibinahagi ni Beth Tamayo sa social media ang pagpapahayag na siya at ikinasal na sa kasintahang Amerikano na si Adam Hutchinson. Sa kaniyang Instagram post noong Biyernes, ipinost ni Tamayo ang kanilang wedding photos na ginanap noong March 3 sa San Francisco, California, kung saan siya naninirahan ngayon.

Credit: Beth Tamayo instagram

“Getting married during the p@ndemic was quite an experience. Ceremony is now online; very limited people to invite (even if it’s already remote) and all of this is happening at the comfort of our own home. We even used a toolbox as our laptop stand! So classy!” Saad ni Tamayo sa kaniyang caption.

Credit: Beth Tamayo instagram

Ipinahayag din niya na napag-usapan nilang mag-asawa na bigyang selebrasyon ang kanilang pag-iisang dibdib kasama ang nga kaibigan at pamilya.

Credit: Beth Tamayo instagram

“When it is SAFE, we will definitely celebrate with our family and friends and have the best time ever!” promised Tamayo, who also expressed her gratitude to all those who joined and helped to mount the wedding and to those who greeted them on their special day.

Credit: Beth Tamayo instagram

 

“To everyone who texted us and sent their best wishes, THANK YOU! We feel the love and appreciate you all! Love you guys!” Tamayo concluded. Binaha ng pagbati ang kaniyang post, kasama na rito ang ilang malalapit niyang kaibigan sa showbiz Gaya ni Judy Ann Santos-Agoncillo.

“So happy for you kabetchi!” pagbati ni Judy Ann Santos-Agoncillo
Matatandaang ibinahagi ni Beth Tamayo kung paano sila nagkakilala ng kaniyang kabiyak.
“I met him here in San Francisco. “He was born in Iowa. Midwest ‘to. He moved here to California probably 10 years ago or something. I met him here. He works for Google.

Credit: Beth Tamayo instagram

Sa naturang interview noong buwan ng Pebrero, inamin ni Beth na sila ay engaged na at naghahanda para sa kasal. “He’s good, he’s great, and we’re engaged.”
Pinlano rin nila ang isang simpleng kasalan lamang, sapagkat minsan na niyang naranasan ang engrandeng kasalan sa dati nitong pinakasalan na si Johnny Wong.

Credit: Beth Tamayo instagram

“We’ll do lang a city hall wedding. Alam mo naman, I’ve been there, done that, doing the big wedding,” sabi niya.“With this p@ndemic parang hindi naman yata fair.”
Ipinahayag niya rin noon na ang kanilang kasal ay mapapanood ng kanilang mga mahal sa buhay via zoom.

Credit: Beth Tamayo instagram

“It’s just a matter of us getting married and then we’ll have our friends and family watch it or like view it on Zoom okay na kami doon,” sabi ni Tamayo. “It’s very, very practical and we’re trying to save money.” dagdag pa niya. Taong 2008 nang mapagdesisyunan ni Tamayo na manirahan sa US.