Aktres na si Charee Pineda, isinilang na ang kanyang cute at healthy baby boy

Ang aktres na isa sa mga ABS-CBN star magic artist na ngayon ay isang Councilor na sa Valenzuela na si Charee Pineda ay nanganak na ng isang malusog na malusog na baby boy na pinangalanganang Martell Francesco Soledad.

Credit: Charee Pineda-Soledad instagram

Ipinaalam niya sa publiko ang kaniyang panganganak sa pamamagitan ng isang instagram post na nagpapakita ng mga litrato niya sa ospital kasama ng kaniyang bagong silang na anak at narito ang caption ng post ni Charee,

“My answered prayer. My baby Martell Francesco Soledad!”

Credit: Charee Pineda-Soledad instagram

Sa caption rin ni Charee ay ipinarating nya kung gaano siya nagpapasalamat sa lahat ng mga biyayang kaniyang natamo sa ngayon. Sinabi ni Charee na laki ng pasasalamat niya sa Panginoon sa kaniyang early Christmas gift na natanggap at yun ay ang malusog niyang baby boy.

Credit: Charee Pineda-Soledad instagram

“So many blessings to be thankful for. First, Thank you Lord for our super early Christmas present! Thank you for keeping us safe,” pahayag ng aktres.

Pinasalamatan rin ni Charee sa naturang post ang mga pamilya at kaibigan niya na walang sawang sumuporta at nagdasal para sa safety nilang mag-ina. Pinasalamatan niya rin ang mga doktor at nurses na nagpaanak sa kaniya at tumulong sa recovery nilang mag-ina sa ospital.

Credit: Charee Pineda-Soledad instagram

Higit sa lahat ay labis niyang pinasalamatan ang kaniyang non-showbiz na asawa na si Martell Soledad na isa ring Councilor. Narito ang mensahe ni Charee para sa kaniyang asawa, ”And lastly thank you to my husband who’s been my rock from the start. Cheers to new journey with you my love and our little Cesco!”

Credit: Charee Pineda-Soledad instagram

Umani ng pagbati si Charee sa kaniyang post na kinocongratulate sya ng mga tao. Marami ring mga sikat sa industriya ng showbiz ang naghatid ng pagbati sa aktres tulad na lamang nina Kim Rodriguez, Miggs Cuaderno at Jade Lopez.

Credit: Charee Pineda-Soledad instagram

Kinasal noong nakaraang Pebrero ang mag-asawa matapos ang kanilang pitong taon ng pagsasama.

Credit: Charee Pineda-Soledad instagram

Nireveal ng mag-asawa na si Charee at Martell ang pagdadalang tao ni Charee noong nakaraang Hulyo sa kaarawan ng kaniyang asawa sa pagpost ng litrato sa instagram na may hawak silang mag-asawa ng sonogram ng kanilang anak at ito ay nilagyan ng caption na, “And we’re three! Happy birthday, Daddy Tetel!! Love you!”

Credit: Charee Pineda-Soledad instagram