Aktres na si Dionne Monsanto, hinangaan ng mga netizens ng sinabi ang kanyang wedding outfit ay nagkakahalaga lamang ng 300 pesos

Tuluyan na ngang naisakatuparan ang kasal ng magkasintahan na sina Dionne Monsanto at Ryan Stalder sa Switzerland. Pero, talaga namang mabibilib ka sa kanila, dahil napakapraktikal at simple ng kanilang kasal na siya namang mas maiging ngayon sa panahong ito.

Credit: Dionne M. Stalder instagram

Makikita kasi sa Instagram ni Dionne ang mga preparations sa mismong kasal. Isa sa mga ginastos nila dito ay para sa mga trahe de boda. Pero, kung sa iba ay talagang napakagarbo at napakamahal nito.

Credit: Dionne M. Stalder instagram

Para kay Dionne, napakamura at praktikal lamang ng kanyang nabiling wedding dress. Hindi nahiyang inamin ni Dionne na 300 pesos lamang ang kanyang suot noong siya ay ikinasal.

Hindi mo nga naman ito talaga mahahalata dahil napakaganda ng kanyang suot at bagay na bagay sa kanya. Nabili lamang niya ang kanyang pang itaas sa online shop habang ang kanyang pang-ibaba ay regalo sa kanya.

Credit: Dionne M. Stalder instagram

“I spent 300 pesos on my wedding dress! The bottom part of my dress is my Something Old. It was a thoughtful gift from my sister @travelfoodfinds a year ago. The corset top is something I bought from an online shop in the Philippines for less than Php 300 (6 CHF),” paliwanag ni Dionne.

Credit: Dionne M. Stalder instagram

Isa kasi sa mga natutunan at na realize niya au ang maging praktikal sa buhay at maging masaya kung ano ang meron ka. Hindi nga naman kailangan ng lahat ng materyal na bagay para sumaya. Ang mahalaga ay naibibigay ang sapat na pangangailangan, bonus na lamang ang ibang mga bagay.

Credit: Dionne M. Stalder instagram

“As I’ve gotten older, I realize more and more that things are just things. That I don’t need a lot to be happy. That love & respect from people I love are more important than any material possession,” kwento pa ni Dionne.

Talagang napakasaya nga naman ni Dionne sa kanyang piniling buhay lalo na ang pagpapamilya. Parang kailan lang nang sinasabi pa lang niya ito, ngayon ay napangyari na ang mga ito.