Aktres na si Julia Montes, nagbabalik eskuwela ngayon habang marami syang libreng oras

“Age doesn’t matter,” iyan nga naman ang laging sinasabi lalo na sa pag-aaral. Walang edad, bata o matanda sa edukasyon. Hanggat nais mong matuto ay pwedeng pwede ka nga namang mag-aral.Gaya ng aktres na si Julia Montes na bumalik sa kanyang pag-aaral. Ito ay kanyang ibinahagi sa atin sa kanyang IG noong Biyernes, September 18.

Credit: Julia Montes instagram

Matatandaang nagtapos na si Julia noong 2015 ng culinary arts sa Center of Culinary Arts Manila. Kaya naman, isa sa mga hilig at expertise ni Julia bukod sa pag-arte ay ang pagluluto. Dito ay kasama pa niyang nagtapos sina Bea Alonzo at Yam Concepcion.
Bata pa naman si Julia sa kanyang edad na 25. Sa kabila ng nararanasang p@nd3mya at community quarantine, bumalik si Julia sa pag-aaral.

Credit: Julia Montes instagram

Siya ay nag enroll sa Southville International School and Colleges. Ito din ang eskwelahan kung saan nag-aaral ang kanyang mga kasama sa trabaho gaya nila Jodi Sta. Maria, Liza Soberano, at Enrique Gil.Bagamat walang kurso o programang sinabi, ang tanging alam lang natin ay ang bumalik siya ulit sa kanyang pag-aaral.

Credit: Julia Montes instagram

“Here’s to a new journey FROM HOME! I am glad to be part of Southville International School and Colleges as I officially go back to school. This is how I turn a cr!s!s into an opportunity, doing things I’ve always wanted now that I have the luxury of time,” pagbabahagi ng aktres.

Credit: Julia Montes instagram

Nakakabilib nga naman si Julia dahil talagang gustong gusto niyang matuto kaya’t bumalik siya sa pag-aaral. Sabi nga nila, ang edukasyon daw ang tanging kayamanan na kailanman ay hindi maaagaw sa atin ninuman.

Credit: Julia Montes instagram

Matagal tagal ding nagpah!nga si Julia sa showbiz. Kaya, inaabangan ang kanyang pagbabalik. Bagamat, inanunsyo na noon ang kanyang bagong proyekto na Burad0, kasama  si Nadine Lustre. Hindi na ito natuloy at sinabi ito noong nakaraang buwan dahil sa p@nd3myang ating nararanasan ngayon.