Aktres na si Loisa Andalio, nagdiwang ng kanyang ika-22 taong kaarawan

Noong nakaraang April 21, Miyerkules, ipinagdiwang ni Loisa Andalio ang kaniyang 22nd birthday.
Sa Instagram account ng aktres na si Josefina Loisa Francisco Andalio o mas kilala bilang Loisa Andalio, pinasalamatan niya ang Maykapal para sa panibagong taon ng kaniyang buhay.

Credit: Loisa Andalio instagram

“thank you God sa panibagong taon 🙏🏼💜🥰 22 ✨✨✨✨✨” sabi ni Loisa Andalo
Bumaha rin ng pagbati sa kaniyang naturang post, mula sa mga fans at kaibigan sa industriya gaya nila AC Bonifacio, Darren Espanto, Erich Gonzales, at marami pang iba.

Credit: Loisa Andalio instagram

Ilan sa mga komento at pagbati ay:@g3cafe: Happy Birthday Loisa!!! 🎂
@jojagpangan: Happy Birthday bb mwaaaaa @danvillegas: Happy birthday!!!
Sa Instagram account naman ng kaniyang boyfriend, ipinakita nito kung gaano niya kamahal ang kasintahan. Sa naturang post ni Ronnie Alonte sabi niya: “IKAW ang nag iisang TIYAK sa LIBO LIBONG DUDA🖤 Maligayang kaarawan sayo beh! ILOVEYOU! ❤️”

Credit: Loisa Andalio instagram

Mababanaag ang pagmamahalan ng dalawa na pinagtibay na rin ng panahon.
Sa panayam sa magkasintahan noong nakaraang taon, buwan ng Oktubre, sa programang Magandang Buhay, ibinahagi nilang pinagtibay ng mga pagsub0k gaya ng pand3myang ito ang kanilang relasyon.

Credit: Loisa Andalio instagram

Para kay Ronnie, nananatiling kay Loisa niya nais igugol ang kaniyang buhay. Ito na ang ika-7 taon na ipinagdiwang ng aktres ang kaniyang kaarawan mula noong tumuntong at sumalang siya sa mundo ng showbiz. Matapos ang maraming taon at pagsubok, nanatiling mapagpasalamat ang aktres sa kaniyang mga natatamasa.

Credit: Loisa Andalio instagram

Kaugnay ng kaniyang kasipagan at kasikatan, nakapagpatayo na ang aktres ng kaniyang dream house, na kaniyang ipinasilip noon sa kaniyang vlog sa YouTube channel nito. Pumasok ni Loisa ang mundo ng showbiz industry sa pamamagitan ng Pinoy Big Brother, isang reality program ng Kapamilya Channel ABS-CBN Network.

Taong 2014 nang maging isang housemate sa PBB ang aktres, hindi man siya ang nagwagi sa reality show, nanatiling matunog ang pangalan niya sa industriya ng Showbiz.