Aktres na si Roxanne Barcelo, masayang ibinalita na sya ngayon ay nagdadalang tao

Buntis na ang singer actress na si Roxanne Barcelo o Roxee B sa panganay na anak nila ng kanyang asawa na hindi pa nito ipinakikilala sa publiko. Sa youtube vlog nga ng aktres sinabi nito ang kanyang good news na arrival ng kanilang blessing.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Sa unang bahagi ng kanyang vlog makikita na kasama nito na gumagawa ng bun ang kanyang kapatid na lalaki na si Timmy Barcelo. At habang nasa oven ang mga buns sinabi nito na “While those buns are in the oven, there’s another bun in the oven. My bun is in the oven. Mga Badidap I wanted to share with you all that I’m preggo,”

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Hindi nga raw nila inexpect ng kanyang husband na mapapaaga ang pagdating ng kanilang magiging munting anghel dahil sinabihan raw ito ng kanyang OB na baka aabutin pa ng 1 year bago siya magbuntis pero buwan lang after ng kanyang marriage, dumating na ang kanilang blessing.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Matatandaang December last year ng gulatin nito ang kanyang mga fans ng sabihin nito na “Roxanne is officially Married, I am taken!”
Sinabi ng aktres na ng makilala niya ang kanyang husband, alam na daw nito agad na He is the one for her. “When he said I want to start a family with you, I thought it was the most beautiful plan to have in my life,” kuwento pa ni Roxanne

Credit: Roxanne Barcelo Youtube

Ibinahagi rin niya sa kanyang mga viewers ang significance at connection ng Panda sa kanilang love story nila ng kanyang hubby kung kayat bilang suggestion, sinabi ng ilang mga badidaps na dapat eh “PANDAdidaps” na ang tawag nito sa kanyang mga followers.

Credit: Roxanne Barcelo Youtube

Sa huli, hindi naman nakalimutang magbigay ng message para pasalamatan nito ang support ng mga badidap para sakanya.
“I really want to thank all the Badidaps out there who have been praying for me and who have really been there for me. You know who you are and I appreciate all the blessings that you have been wishing for me”

“Every time I read your comments and well-wishes parang napupuno yung heart ko ng pagmamahal and ng tiwala and ng faith”
“Even though I’ve been a little bit quiet for the past few months, know that you’re always in my mind and always in my heart”.

Credit: Roxanne Barcelo Youtube

Sobrang happy ng kanyang mga supporters para sakanya at wish nila na maging healthy ang kanyang pagbubuntis at happy ang kanyang married life.