Aktres na si Ynez Veneracion, masayang ibinalita na sya ay nagdadalang tao uli sa edad na 40 taong gulang

Kamakailan- lamang ay ginulat ng dating aktres na si Ynez Veneracion ang mga netizens sa kanyang mga post ng maternity pictorial nito sa lahat ng social media accounts nito tulad ng Instagram at Facebook. Sa edad na 40 years old ay ibinahagi ni Ynez na magkakaroon na ito ng ikalawang anak sa kanyang non- showbiz boyfriend na si Bryan Recto.

Credit: Ynez Veneracion instagram

Excited na excited nitong ni- reveal ang anunsyo sa publiko na apat na linggo na lamang ay mami- meet na nito ang kanyang pangalawang anak gamit ang kanyang nag- gagandahang maternity pictures.

Credit: Ynez Veneracion instagram

Disyembre umano ng malaman ni Ynez na siya ay nagdadalang- tao sa first baby nila ng kanyang kasintahang si Bryan. Kahit na labin-talong taon ang agwat ng mga ito ay talagang mahal na mahal ng mga ito ang isa’t isa at nanatiling matibay ang kanilang relasyon.
Matatandaang si Ynez ay may isa nang anak at ang pangalanan nito ay Princess Keilah Del Rosario, ito ay anak ng dating nakarelasyon ni Ynez na isang pulitiko.

Credit: Ynez Veneracion instagram

Kaya naman hindi lamang sila ni Bryan ang excited na excited ma- meet ang kanilang baby dahil pati si Princess ay gustong- gusto na magkaroon ng kapatid dati pa man. Sa mga maternity pictures na ibinahagi ni Ynez ay talaga namang hindi halatang 40-years-old na ito dahil batang- bata pa rin ang kanyang itsura at seksing- seksi pa rin ito hanggang ngayon.

Credit: Ynez Veneracion instagram

Ibinahagi nito sa kanyang post na ito ang unang pagkakataong nagkaroon ito ng maternity pictorial kaya naman labis ang kanyang pasasalamat sa mga taong tumulong sa kanya at labis ang kanyang saya sa naging resulta ng photosh00t.

“My very first maternity photo shoot. I really can’t wait to meet our new addition to the fam in just 4 weeks!” saad nito sa kanyang caption. Marami ding ibinanggit si Ynez na mahal sa buhay upang magpasalamat sa mga ito at isa na rito ay ang kanyang boyfriend at anak na si Princess.

Credit: Ynez Veneracion instagram

Hindi rin nakalimutang magpasalamat ni Ynez sa dance diva na si Regine Tolentino dahil siya umano ang nag-handle sa mga costumes ni Ynez sa kanyang photosh00t.

Napakaganda nga naman ng naging resulta dahil isa sa mga naging theme nito ay enchanted at sa taglay na natural na ganda ni Ynez ay nagmukha talaga itong isang diwata. Marami pang naging costume ito tulad ng darna at iba pa na talaga namang bagay na bagay nito at nagpa-tingkad ng husto sa kanyang ganda.