Alex Gonzaga, ibinahagi ang kanilang masayang bakasyon kasama ang buong pamilya nya sa isang kilalang resort sa Batangas

Hindi na bago sa pandinig ng mga Pilipino ang apelidong Gonzaga lalo na sa mga all-time viewers at netizens na laging naka-tambay sa mga social media dahil sa mga Gonzaga sisters na kilalang-kilala bilang magagaling na aktres, host at komidyante sa mundo ng showbiz.

Credit: Alex Gonzaga-Morada instagram

Sino nga ba ang hindi makaka-kilala kay Toni Gonzaga at Alex Gonzaga? Matatandaang sumikat ang mga ito sa kani-kanilang kakayahan at hindi lamang dahil magkapatid ang mga ito.

Si Toni ay mas nakilala ng mga netizens dahil sa angking galing nito sa pagkanta, pagho-host at paga-arte. Samantala, si Alex naman ay mas nakilala sa kanyang pag-aarte, pagpapa-tawa at sa pagva-vlog na kinagiliwan ng nakakarami at ngayon ay may 11 milyong subscribers na ito sa kanyang Youtube Channel.

Credit: Alex Gonzaga-Morada instagram

At isa sa mga naging vlog ni Alex ay ang pagba-bakasyon nito kasama ang Gonzaga family at pati na rin ang pamilya ng kanyang nag-iisang ate na si Toni. Tulad ng iba pang ga artista ay hinabol din ng Gonzaga family ang summer upang makapag-pahinga at makapag-relax mula sa lahat ng nangyayari na dulot ng p@nd3mya.

Ang pagbabakasyon ng magka-kasama ang nagiging bonding at quality time rin ng mga Gonzaga family dahil ngayon ay pareho nang may asawa sina Alex at Toni.

Credit: Alex Gonzaga-Morada instagram

Sa umpisa ng vlog, makikita na kahit napaka-kulit ni Alex sa kanyang mga magulang ay mapapansin pa rin kung gaano nito inaalagaan ang kalusugan ng kanyang mga magulang kaya naman ginawan niya muna ito ng mga healthy smoothies bago umalis ang mga ito.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Nagbakasyon ang pamilyang Gonzaga sa kilalang farm resort na The Farm at San Benito sa may Lipa, Batangas. Ito na ang pangalawang beses na pumunta at nagbakasyon sa resort si Alex ngunit sa pagkakataong ito ay gusto niyang ipa-experience sa pamilya ang ganda ng lugar.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Siyempre sa vlog ni Alex ay hindi mawawala ang kanyang pang-aasar at pangungulit sa kanyang Mommy Pinty at iba pang miyembro ng kanilang pamilya. Hindi rin mawawala ang pagpapa-tawa nito na nagdudulot ng saya at ngiti sa kanyang pamilya at sa bawat netizens na nonood ng kanyang vlog.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Nabanggit sa video na ang isa pang rason kung bakit napag-desisyunan ng mga ito na magbakasyon ay dahil anniversary nina Toni at ang kanyang asawa na si Direk Paul pati na rin ang mga magulang nina Toni at Alex. Makikita kung gaano ka-ganda at ka-saya ang relasyon ng pamilyang Gonzaga dahil sa kanilang non-stop na asaran at kulitan na naging highlight ng kanilang pagbabakasyon sa resort, tila ba’y mas naging masigla ang atmosphere sa lugar nang dahil sa mga ito.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Hindi rin mawawala ang pag-kukulitan ni Alex at ang kanyang pamangkin na si Sevi at tuluyan nang naglaro sa swimming pool at sinamahan pa ni Toni ang mga ito. Talaga naman si Alex ang energizer ng kanilang pamilya dahil bukod sa kanya, lahat ng kasama nito ay tahimik at kalma lamang na ineenjoy ang bakasyon ng mga ito.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Ibinida rin ni Alex ang maganda at payapang lugar ng resort na perfect na perfect sa mga gusto ng peaceful atmosphere at makapag-relax ng maayos. Pina-experience rin ni Alex sa kanyang mga magulang ang iba’t ibang treatment na ino-offer ng resort upang mas makapag-relax ang mga ito.
Kahit na laging makulit at mapang-asar si Alex ay hindi naman nito nakakalimutang asikasuhin at alagaan ang kanyang mga magulang.

Credit: Alex Gonzaga Youtube