Alex Gonzaga, kinaaliwan nanaman ng mga netizen dahil sa nakakatawang ginawa nito sa bahay ng mga Crawfords

Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa Gonzaga sisters na sina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga na ngayon ay nananatili pa ring mga sikat na artista. Unang nakilala si Toni Gonzaga dahil sa kanyang galing sa pag- kanta nang manalo ito sa singing competition na Metropop Star Search noong 13 years old ito sa GMA network.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Simula noong ay umarangkada na ang career ni Toni sa pag- awit at maraming nabuksan na oportunidad ang kanyang pinasukan na talaga namang naging dahilang ng pag- sikat nito. Nadiskubre rin ni Toni ang galing nito sa pagho- host at pag- arte at umani ng maraming rewards.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Hindi naman kalaunan ay pinasok na rin ng kanyang bunsong kapatid na si Catherine Gonzaga ang mundo ng showbiz nang maging parte ito ng isang sitcom sa ABS- CBN na ‘Let’s Go’ kung saan ang kanyang karakter ay pangalan na Alex na naging stage name na rin nito hanggang ngayon.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Mula ng mapasama ito sa sitcom na Let’s Go ay naging maganda na rin ang takbo ng karera ni Alex sa pag- aartista at ngayon ay kilala na siya ng nakakarami dahil sa kanyang galing sa pag- arte, pagho- host at pagpapa- saya ng mga tao.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Isa sa mga paraan ni Alex upang ipamalas ang kanyang galing sa pagpapatawa at magbigay ng saya sa kanyang mga viewers ay ang pag- gawa nito ng mga videos at vlogs sa kanyang Youtube channel na ngayon ay tatlong taon na at may lagpas 10 milyong subscribers na.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Sa kanyang latest vlog ay bumisita ito sa bahay ng kanyang kaibigan at co- host sa Lunch out loud na si Billy Crawford kasama ang asawa nitong si Coleen Garcia at panganay na anak ng mga ito upang maging yaya ng isang araw.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Sa unang parte ng vlog ay tinuraan ng hands- on mommy na si Coleen kung paano alagaan si Baby Amari. Ready na ready naman si Alex sa kanyang magiging role sa kanyang vlog dahil nakasuot pa ito ng blue scrub uniform.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Agaran namang na- karga ni Alex si Baby Amari dahil hindi lamang ito cute kung hindi mabait din itong bata at hindi man lang umiyak. Ang unang activity na ginawa ng mga ito ay ang pag-sakay ni Alex sa mini chair na may gulong habang karga-karga nito si Baby Amari na talaga namang nageenjoy sa ginagawa.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Ang pangalawang activity ay ang pag-akyat ni Baby Amari sa kanilang hagdanan ng may pag-alalay ni Alex dahil ayon kay Coleen ay gustong-gusto ng kanyang anak ang magpasikat hindi lamang iyon dahil gusto niya na may audience pa ito bago magpa-cute at mag-saya.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Masayang-masaya na nakisabay ang mga Crawford at si Alex sa pag-gapang ni Baby Amari sa floor. Pinalakad at nakipag-laro si Alex kay Baby Amari at hindi naman nag-tagal ay inamin nitong nakakapagod ang mga aktibidad ng bata.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Siyempre naman ay hindi mawawala ang mga banat at pagpapatawa ni Alex sa buong vlog nito kasama ang pamilyang Crawfords.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Mapapansin din sa video kung gaano ka-lapit si Baby Amari sa kanyang ina dahil wala pang sampung Segundo ay hinahanap na niya ito. Sumama rin si Alex sa paghvhugas ng pw3t ni Baby Amari at pagpapa-kain dito pagkatapos kaya naman naging magaling na yaya talaga si Alex kahit na isang araw lang nito nakasama si Baby Amari