Alexa Ilacad, pinahanga ang mga netizen dahil sa pagkakaroon ng GWA na 1.0

Bobbie, is that you?” eto ang nakakatawang kumento ng mga netizens sa isang Instagram post ng magaling na aktres na si Alexa Ilacad dahil sa kanyang reward at grades na na-achieve sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

Credit: Alexa Ilacad instagram

Maraming netizens ang hindi napigilang magkumento sa nasabing pabirong tanong dahil nakaka-relate ang mga ito sa ginampanan na karakter ni Alexa sa sequel na “Four sister before the wedding” kung saan ang karakter nitong si Bobbie ay isang matalino at achiever sa kanyang eskwelahan.

Credit: Alexa Ilacad instagram

Sa post nito sa kanyang Instagram account ay ibinahagi nito ang letrato nito habang suot-suot ang uniporme at sash ng kanyang eskwelahan. Katabi nito ay makikita ang poster ng pagiging Dean’s lister nito sa nagdaang academic year. Natapos nito ang kanyang ikatlong taon sa kolehiyo at mayroon itong General Weighted Average or GWA na 1.00.

Credit: Alexa Ilacad instagram

Ibinahagi naman ni Alexa sa kanyang caption ang labis na sayang nararamdaman nito dahil sa wakas ay makakapag-tapos na ito ng pag-aaral kaya naman proud na proud ito sa kanyang sarili dahil natapos at nakayanan niya lahat ng challenges na kanyang naranasan sa buhay kolehiyo.

Credit: Alexa Ilacad instagram

“Last hoorah for my last term in college🥰🙏🏻 I am over the moon as I type this right now but finally… I AM GRADUATING! 🎉Despite all the obstacles thrown away, I was determined to finish strong. 😊I came, I studied, I conquered!😂” saad nito sa kanyang caption.

Credit: Alexa Ilacad instagram

Magtatapos si Alexa sa Treston International College’s School of Business and Technology ang naging course nito ay Marketing Major. Nang dahil sa na-achieve at natanggap na award ni Alexa ay para bang nagkaroon ng buhay ang kanyang ginampanan na karakter na si Bobbie dahil isa rin itong academic achiever kaya naman maraming netizens ang natuwa rito.

Credit: Alexa Ilacad instagram

Kahit na busy si Alexa sa kanyang nagiging proyekto sa mundo ng showbiz ay nakaka-bilib na nagawa niyang pag-sabayin ang pag-aaral at pagsho-showbiz at naka-kuha pa ng mataas na grado.

Talaga namang pinatunayan nito na kung mayroon kang gustong makuha ay makukuha mo rin kung pag-hihirapan mo ito. Maraming netizens ang humanga sa naging determinasyon ni Alexa sa pagtatapos ng pag-aaral at deserve talaga nito ang mga achievements at awards na kanyang natanggap.