Alice Dixson, kinatuwaan ng mga netizen dahil sa cute na bonding nila ng kanyang Baby A

Nitong Abril lamang ay ipinakilala ng 51-year-old na aktres na si Alice Dixon ang kanyang “miracle baby” na si Baby Aura at kamakailan lamang ay bumalik na ito sa Pilipinas kasama ang kanyang anak.
Sa kanyang latest Instagram post ay naipakita ni Alice ang kanyang pagmamahal at maingat na pag-aruga sa kanyang anak. Karga-karga ng aktres ang anak habang nakikipaglaro ito sa kanya.

Credit: Alice Dixson instagram

Sa 1 minute video ay ipinakita ni Alice kung paano ayusin ang isang multi-functional chair na galing sa brand na Oribel Philippines para sa kanyang anak na si Baby Aura.
“Setting up Baby A’s lunar orbit capsule. Spaceship Baby A; in 3, 2, 1…” ayon sa caption ni Alice sa kanyang Instagram post.

Credit: Alice Dixson instagram

“I can’t wait for my daughter to start eating solids! So instead of airplane landing, we will do space modules d0cking. Pangarap kasi ni mommy maging 1st Filipina astr0naut ang anak.” Dagdag niya.
“And this @oribelph cocoon looks just fitting “It only took 10 minutes to set up & look how it also reclines – – multifunctional!!!” saad pa nito.

Credit: Alice Dixson instagram

“Houston, we have lift off,” ani pa nito sa kanyang caption na para bang nagmamaneho talaga ito ng isang spaceship. Makikitang tuwang-tuwa talaga ang aktres sa bagong multi-functional chair ng kanyang anak dahil nagkaroon sila ng panibagong paraan kung paano magbonding ng kanyang miracle baby.

Credit: Alice Dixson instagram

Bagong-bago sa pandinig ng mga tao ang sinabi ng aktres sa kanyang caption na gusto niyang maging 1st Filipina Astronaut ang anak. Dahil ibang-iba ito sa mga typical na propesyon na gusto ng mga Pilipinong magulang para sa kanilang mga anak.

Hindi maalis ang ngiti ng aktres habang karga-karga at gigil na gigil siya sa kanyang anak dahil ito ang unang beses na naging ina ang aktres at magkaroon ng anak kahit na siya ay 51 taong gulang na.

Credit: Alice Dixson instagram

Maraming netizens ang napangiti sa Instragram post ng aktres at hindi nila mapigilan at maiwasan ang pagiging curious dahil ni minsan ay hindi pa nagpost ang aktres ng mga pictures ni Baby Aura ng nakaharap ito.

Gustong-gusto malaman ng mga netizens kung ano ang itsura ng bata at kung kanino ito nagmana o sino ang kamukha nito. Eto ang ilan sa mga komento nila:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)

“❤Pakita mo naman face ng baby mo! Masyado ng sUsp3nse❤”
“Wow! Sana, makita na face ni baby… but its up to you kung di pa pwede..were waiting..”
“Miss Alice, nakatalikod palang yung baby mo pero kakagigil na tingnan, lalo na yung olo heheheh…😍😍”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)