Alice Dixson, may pa silip sa kanyang baby girl na si Aura

Matatandaang noong Abril ay ibinahagi at ipinakilala ng aktres na si Alice Dixson ang napaka- gandang balita at eto ay ang kanyang miracle baby at pagiging ina sa edad na 51.
Ang kanyang bouncing baby girl ay kilala bilang Baby Aura at kamakailan- lamang bumalik ang mga ito sa Pilipinas.

Credit: Alice Dixson instagram

Maraming netizens ang natuwa sa balitang hatid ng aktres pagka- uwi nito sa Pilipinas.
Ngunit marami ang nakapansin na sa lahat ng ipino- post ni Alice na mga baby pictures ni Baby Aura sa kanyang Instagram account ay hindi nito ipinapakita ang itsura ng kanyang miracle baby.

Credit: Alice Dixson instagram

Kaya naman maraming netizens ang curious na curious at excited na excited malaman kung kanino nga ba nagmana si Baby Aura. Sa bawat post ni Alice Dixson sa kanyang Instagram account ay hindi mapigilan mag kumento ng mga netizens tungkol rito.

Credit: Alice Dixson instagram

Subalit sa pagkakataong ito, sa isang post ni Alice sa kanyang Instagram account nito lamang June 16 ay binigyan niya ng isang sneak peak ni Baby Aura ang mga netizens at fans nito.
Pagkatapos ng ilang buwan mula nang ibahagi ni Alice ang kanyang miracle baby ay ngayon lamang ito nagpakita ng isang sneak peak ni Baby Aura.

Credit: Alice Dixson instagram

Sa letrato ay ipinakita ni Alice ang side view ng kanyang anak habang kandong- kandong niya ito at may hawak- hawak na baby bottle. Ngunit tila ba lalo lang nauhaw ang mga netizens at fans nito sa ipinost na sneak peak picture ng kanyang anak dahil marami ang naging excited kung kailan magpopost ang aktres ng whole body picture ni Baby Aura.

Credit: Alice Dixson instagram

Pero ngayon palang na side view at sneak peak palang ang ibinahagi ni Alice ay hindi na mapigilan ng mga netizens ang macute’an kay Baby Aura, pa’no pa kaya kung ire- reveal pa ni Alice ito.
Sa kanyang caption sa kanyang Instagram post ay ibinahagi rin ni Alice ang pagbubukas ng kanyang sariling online store para sa mga naghahanap ng practical na mga gamit at regalo.

Credit: Alice Dixson instagram

“Mama’s!!! 🤗I discovered this baby bottle that is similar to the popular name brand with excellent quality but for 1/3rd the price!!! This and other great value for money items, practical picks & gifts found on my online store.” Saad nito.

Credit: Alice Dixson instagram

Inintroduce nito ang isang water bottle na isa sa mga produkto na kanyang ibebenta sa kanyang sariling online store business. “Will announce this product soon 🍼 🍼🍼www.store.alicedixson. com😉 ” dagdag pa nito.