“Aling Maliit no more” ito naman ang nasabi ng mga netizen nang makita ang latest na litrato ni Ryzza Mae Dizon

‘Aling maliit no more’ ito ang ipinatunayan ng tinaguriang TV’s youngest talk show host na si Ryzza Mae Dizon sa letratong ibinahagi nito sa kanyang sariling Instagram account.
Matatandaang tinaguriang youngest talk show si Ryzza nang maging host ito sa kanyang sariling talk show noon na “The Ryzza Mae Show” matapos nitong manalo sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga noong anim na taon pa lamang ito.

Credit: Ryzza Mae Dizon instagram

Sa letratong ibinahagi nito ay makikita ang dalawang version ni Ryzza kung saan mapapansin kung gaano na ka-laki ang ipinagbago ng kanyang pisikal na anyo matapos ang apat na taon.
Sa kanang parte ng letrato ay makikita ang 2017 self ni Ryzza habang suot-suot ang grey na dress at mayroon pang suot na cate headband at ito ay kinuhanan sa broadway centrum studio ng Eat Bulaga.

Credit: Ryzza Mae Dizon instagram

Samantala, ang kaliwang parte naman ay makikitang suot-suot muli ni Ryzza ang parehong dress ngunit sa pagkakataong ito ay naka-ayos na ang kanyang buhok at mayroong pink na headband at wala na ang kanyang bangs.

Credit: Ryzza Mae Dizon instagram

“2021 vs. 2017 broadway days and now, bahay days” saad nito sa kanyang caption.
Kahit na suot-suot ni Ryzza ang parehong grey dress ay makikita pa rin kung gaano ito nag-matured at nag-dalaga sa nakalipas na apat na taon. Marami ring netizens ang naka-pansin dito at hindi napigilan ang kanilang reaksiyon dahil sobrang bilis nga naman lumipas ng panahon dahil ang dating tinaguriang youngest talk show host ay isa na ngayong dalaga.

Credit: Ryzza Mae Dizon instagram

Mapapansin kung paano na ito ka-galing sa pag-aayos at galing sa pananamit na makikita rin mismo sa mga nakalipas na mga letratong ibinabahagi nito sa kanyang Instagram account.
Matatandaang anim na taon lamang ito nang manalo si Ryzza sa Little Miss Philippines sa Eat Bulaga kung saan nagsimula ang kanyang career sa pagho-host din sa mismong noontime show.

Credit: Ryzza Mae Dizon instagram

Dahil dito ay maraming naging taga-hanga si Ryzza at maraming netizens at viewers ang nakakilala rito. Dahil na rin sa kanyang makulit na ugali, cuteness at talent ay ang naging dahilan kung bakit maraming Pilipino ang kinagiliwan ito.

Credit: Ryzza Mae Dizon instagram

Kaya naman nang ibahagi ni Ryzza ang kanyang letrato ay hindi napigilan ng mga netizens ang makaramdam ng pag-tanda dahil ang dating nakapag-bibigay ng saya sa mga manonood ay big girl na ngayon.