‘Aling Maliit’ Ryzza Mae Dizon, ipinasilip na sa publiko ang ipinapatayong “dream house”

Marami ang napasaya ng childstar na si Ryzza Mae Dizon. Nakilala natin siya sa Eat Bulaga sa segment na Little Miss Philippines na kung saan siya ay naitanghal na panalo sa nasabing pageant.
Mula dito, nagsimula na ang karera ni Aling Maliit sa showbiz.

Nakilala siya sa tawag na Aling Maiit dahil kahit bata ay parang matanda na kung magsalita ito. Biruin mo, sa kanyang murang edad ay nakuha pa niyang magkaroon ng sariling show. Hindi ba’t nakakabilib ito.

Bukod sa personalidad na mayroon siya, hindi mo maitatago na talagang napakacute ni Ryzza. Kaya talagang inabangan siya ng mga netizens. Time flies so fast ika nga nila. Dalaga na ngayon si Ryzza na mula sa pagiging chikiting ay isa na siyang dalaga. Sa kanyang naabot na tagumpay, nakuha ng tulungan at makapagpundar ni Ryza Mae.

Sa kanyang murang edad, mayroon ng sariling bahay si Ryzza. Nakabili siya ng lupa at nakapagpundar na siya ng bahay para sa pamilya. Makikita ang kanilang bahay sa kanyang pa house tour.

Makikita dito na talagang napakaganda ng kanyang bahay. Hindi ito magarbo pero simple at maganda ito. Tama nga naman ang ginawa ni Ryzza sa gabay ng kanyang mga magulang na makapaginvest ng bahay.

Bilib ang mga netizens kay Ryzza, heto ang kanilang mga komento:
“Galing naman Ryzzamae. Ang ganda ng haus mo. Sana lagi ka pa rin humble at wag makalimot sa Dios.🥰”

“Maganda ang iyong bahay congrats ingat gdbless”

“Wow!!! Yan ang bahay ni Rsiza ,,,ang ganda at malaki nakita na ang pinaghirap nya ,, kaya magaling Raiza,, go go go lang…God Bless.”

“GoodJob RyzzaMae Sana Wag ka magbabago StayHumble and Wag makakalimot sa pinang galingan para mas marami pang Blessing ang Dumating.Always Thanks God For Everything na natatanggap natin sa Araw Araw ng Ating Buhay.God Bless po.Take Care Always.Ingatzzzz☺️😊❤️❤️❤️❤️”

“May sasakyan sya kaya good job Raiza,,,God Bless…”