Anak ni Beth Tamayo, bininyagan na kasabay ng kanyang ika-1 taong kaarawan

Marami sa atin ang talaga nga namang pinaghahandaan ang kaarawan, dahil isang beses lamang ito nagaganap sa isang taon. Ito ay pagdiriwang nang pananatili ng isang tao sa mundong ito. Ganoon din ang sa mga bautismo at binyag, sa mga Pilipino normal na ngang ipagsabay ang dalawang mahalagang okasyon na ito.

Credit: @bethtamayo21

Ang dati ngang aktres na si Beth Tamayo ay idiniwang ang kaarawan ng kanyang anak na si Sloane Isabelle, “Welcome to the Christian world my love! #baptism #1stbirthday” caption ni Beth sa kanyang post sa Instagram.

Credit: @bethtamayo21

Makikita ang larawan nya kasama ang anak pati na ang kanyang asawa na si Adam Hutchinson. Kapansin pansin ang cuteness ng bat ana hindi makakailang minana sa kanyang mommy Beth. Sa isa pa ngang post ni Beth ay makikita ang nakahalakhak na na si Sloane, “I’m one!!! – Sloane 🤍” sulat sa caption.

Credit: @bethtamayo21

Nagpasalamat nga ang aktres dito sa nagging magandang weekend kasama ang buong pamilya at mga kaibigan, na base pa nga sa kanya ay maswerte ang anak dahil sa mga ito na lubos na minamahal at sinusuportahan, “Grateful for all the people we hold dear in our hearts! My heart is full!” sabi pa nya.

Credit: @bethtamayo21

Madami naman sa mga netizen ang pinakita ang kanilang kasiyahan para sa pamilya at inulin nga rin sila ng pagbati, “love you Sloaney!!!!!!!!! Happy Birthday! 🎂”, “Happy Happy Birthday Cuteness❣️🤗😘”, “Happy birthday to you lovely daughter, God bless your family 🎂🎈🎉” at marami pa ngang iba.

Credit: @bethtamayo21

Sa huli ay binating muli ni Beth ang anak at nagbigay ng munting mensahe, “Happy birthday my love! You are my sunshine, my only sunshine. You make me happy when skies are gray. You never know dear, how much we love you! We love you more and more each day! 🤍🤍🤍 – Mom & Dad” sabi nya.

Credit: @bethtamayo21

Si Beth Tamayo ay isang actress, kilala sa palabas noon na Pedrito Masangkay: Walang bakas na iniwan, Anak ng Pasig at Ben Balasador: Akin ang huling alas.

Credit: @bethtamayo21

Tunay na minsanan lamang ang bawat binyag at kaarawan, kung kaya masaya na ito ay paghandaan kasama ang ang pamilya. Hindi lang dito dapat talaga nating kasama ang ating mahal na buhay sa kahit na anong pagdiriwang sa iyong buhay.

Credit: @bethtamayo21