Anak ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz, kinagiliwan ng mga netizen dahil sa gwapo nito

Maraming mga celebrities ang mayroon ng mga anak ngayon. Madalas nilang ipinagmamalaki ang mga ito sa kani-kanilang mga social media dahil tulad din ng iba, itinuturi rin nilang kayamanan ang mga anak na walang sinuman o anuman ang makakatumbas. Isa sa mga celebrity moms na madalas I-flex ang anak ay si Jennylyn Mercado.

Credit: Jen Mercado instagram

Kung bibisitahin ang kanyang Instagram account ay makikita ang kanyang latest post na picture nilang dalawa ng kanyang anak na si Jazzy. Makikita na sila ay nasa isang resort kung saan tila mayroong din magandang tanawin.

Credit: Jen Mercado instagram

May caption ang post na “Communing with nature with my Jazzy at @thefarmatsanbenito.” Bumisita ang mag-ina sa The Farm at San Benito na isang Medical-Wellness resort.
“Jazzy serious yarn?😂” dagdag pa ni Jennylyn. Tinutukoy niya ang mala-fierce look ng anak sa kanilang picture habang siya naman ay naka-smile.

Credit: Jen Mercado instagram

“Conveniently booked our stay using my @lyka.global gems! 😊💎” hindi rin nakalimutang magpasalamat ni Jen sa Lyka Global na madalas minemention ng mga celebrities na nagbabakasyon.
Si Alex Jazz Mercado ay anak ni Jennylyn sa former partner niyang si Patrick Garcia

Credit: Jen Mercado instagram

Makikita sa comment section ang pagpuri ng mga netizens pati na rin ng ibang kasamahan ni Jennylyn sa industriya ng showbiz sa anak. Karamihan sa kanila ay napansin ang mabilis na paglaki at pagiging binatilyo ni Jazz. Nabanggit din ng karamihan sa iba pang post kung saan makikita si Jazzy na mas “pogi” raw umano ito kaysa sa tatay.

Credit: Jen Mercado instagram

Ilan sa mga celebrities na nagcomment ay si Chynna Ortaleza Cipriano na sinabing ”Laki na ni Jazz! ❤️ Gwapo gwapo!” pati na rin si Yasmien Kurdi na nagcomment ng “Grabe may binata na akong inaanak! 😍 Pogi ni Jazzy Boy! ❤️”.

Credit: Jen Mercado instagram

Nagcomment rin ng heart emoji si Nikka Garcia na asawa ngayon ni Patrick Garcia. Ang dalawa ay naging magkaibigan. Sa isang interview noon, nabanggit ni Jennylyn na ang anak ang biggest blessing sa kanyang buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)

Si Alex Jazz ay kasalukuyang nasa edad 12. Ang kanyang birthday ay August 16 kaya sa taong ito ay mayroon ng teenage son ang aktres. Maaalalang ipinagdiwang ang 12th birthday ni Jazz kasama ang kanyang mommy na si Jennylyn, pati na rin ang boyfriend ng kanyang mommy na si Dennis Trilio kasama ang anak nitong si Calix Andreas Ho.