Anak ni Paolo Ballesteros na si Keira Claire Ballesteros nakapagtapos na ng high school

Proud parent nga ang komedian at Kapuso host na si Paolo para sa kanyang anak na si Keira Claire dahil gumraduate na ito ng high school at with honors pa. Sa instagram ni Paolo binahagi nya ang larawan ng kanyang anak na si Keira Claire habang naka suot ito ng toga.

Credit: Paolo Ballesteros instagram

“Congrats anak! I love you ♥️♥️♥️ berigood 👍👍” Ang sabi ni Paolo sa kanyang caption. Kasama naman ng larawan na pinost ni Paolo sa kanyang instagram ang list ng mga honor students at dito nga kasama ang pangalan ng kanyang anak na si Kaira Claire.

Credit: Paolo Ballesteros instagram

Nag iwan naman ng pagbati na “congrats” sa komento ang mga kaibigan ni Paolo sa industriya gaya nalang nina Mariz Umali, Ken Chan at Ryan Agoncillo. Si Kaira Claire ay anak ni Paolo sa kanyang non-showbiz x girlfriend na si Katrina Nevada.

Credit: Paolo Ballesteros instagram

Ipinanganak si Keira Claire sa US noong November 29, 2008 at umuwi nga ito sa Pinas para manirahan kasama ang kanyang tatay na si Paolo Ballesteros. Sa kabila man ng p@ghihiwalay ni Paolo at Katrina ay maayos naman ang kanilang samahan pagdating sa pagiging magulang para sa anak na si Keira.

Pinapanatili naman ni Paolo ang pagkakaroon ng private life para sa kanyang anak na si Keira pero nag babahagi naman ito sa kanyang social media tuwing may okasyon gaya nalang ng pagtatapos ngayon ni Keira sa high school.

Minsan nga ay nakakatanggap ng n3gatib0ng komento si Paolo mula sa Netizen dahil sa pagkakaroon nito ng anak sa kabila ng hindi kasiguraduhan sa kanyang kasarian. Hindi naman ito pinapansin ni Paolo at ang mahalaga sa kanya ay masaya siya sa kanyang pamilya at ni minsan ay hindi nagkulang sa responsibilidad bilang isang Ama sa anak na si Keira Claire.