Anak ni Pokwang na si Malia, kinagiliwan ng mga netizen dahil sa kanyang nakakatuwang reaksyon ng makita ang regalo sa kanya ng mga magulang

Ang isa sa pinaka sikat na komedyante at aktres sa pilipinas na si Pokwang at ang kaniyang kinakasamang si Lee O’brian ay sinurpresa ang kanilang anak na si Francine Malia O’Brian ng isang napakaganda at napakalaking kulay pink na upuan na kanilang tinawag na “princess chair”.

Credit: Malia O’brian instagram

Kamakailan ay nag-post si Pokwang ng isang video ng kanyang mag-anak na si Malia Francine, na binansagan niyang Tisay, ibinahagi nila ang bidyo na ito sa pamamagitan ng Instagram account ng kanilang anak na si Malia.

Credit: Malia O’brian instagram

Sa video na ipinost nila ay unang makikita na si Malia ay pababa sa hagdanan dahil may supresa umano ang kaniyang mga magulang sa kanilang living room at nang makababa na sila ay kitang kita ang napakacute na reaksyon ng bata.

Credit: Malia O’brian instagram

Napatigil siya ng makita iyon at napahawak ito sa kaniyang ulo na tila ba ay nagulat o na mind blown sa supresa nila. Agad naman niyang nilapitan ang kaniyang “princess chair” sabay sabing “it’s so big” at ang sabi naman ng kaniyang ina ay “it’s for a princess like you”.

Credit: Malia O’brian instagram

Mukhang nagtataka si Malia habang tinititigan ang upuan dahil siguro’y hindi niya inasahan na ganon kalaki ang upuan. Si Malia umano ay mahilig magsuot ng mga dress na pangprinsesa kaya naman siguro naisipan ng kaniyang mga magulang na bigyan siya ng upuan na pangprinsesa bilang magsilbing throne ni Malia.

Credit: Malia O’brian instagram

Sobrang swerte ni Malia dahil mayroon siyang mga magulang na mahal na mahal siya at handang ibigay ang lahat para sa kaniya. Kahit na tatlong minuto lamang naganap ang supresang iyon ay hindi matutumbasan ng kahit na ano ang naramdaman ng bata.

Si Francine Malia O’Brian ay ipinanganak noong January 18 taong 2018. Nagkakilala sina Pokwang at ang kaniyang asawa na si Lee noong taong 2014 habang kanilang nasa sh00ting ng Star Cinema’s Edsa Woolworth sa bansang Amerika.

Credit: Malia O’brian instagram