Anak ni Ryza Cenon na si Baby Night, kinagiliwan ng mga netizens dahil sa kanyang nakakagoodvibes na video habang humahalakhak

Sunod-sunod nga naman ang mga celebrity babies na naisisilang ngayon. Isa sa mga napakacute at talaga namang adorable celebrity baby ngayon ay ang anak ni Ryza Cenon
at Miguel Cruz na si Baby Night.

Aktibo nga naman si Ryza at Miguel sa social media na inuupdate tayo tungkol kay Baby Night. Mula pa man sa kanyang pagbubuntis, baby shower hanggang sa maipanganak at ngayon na lumalaki na ito ay updated tayong mga netizens sa kaniya.

Isa din sa mapapansin sa mga larawan at videos ni Baby Night ay ang pagiging cheerful at adorable. Lagi nga naman itong nakasmile at talagang lagi itong nakatawa. Hindi nakapagtataka na isang masayahing bata ito paglaki.

Gaya na lamang ng latest IG video na inupload ni Ryza. Makikita ang napakacute na pacifier ni baby Night na hugis mustache. Habang nasa bibig niya ito ay bigla itong nahulog.

Sa pagkahulog nito, bigla na lang itong nag smile at talagang humalakhak si Baby Night. Maririnig mo nga naman talaga na todo ang tawa ni Baby Night. Maging sa mga old posts ni Ryza ay makikita na palangiti at palatawa si baby.

Samantala, matatandaang noong Enero ay naidaos na nila ang binyag ni Baby Night na naging matagumpay naman.

“Start your journey towards God’s eternal blessing for the rest of your life. May the holy spirit always surround you and protect you! God bless you anak. Be good to everyone. Welcome to the Christian world! We love you anak,” saad ni Ryza.

Pinuri naman ng mga netizens ang napakacute na baby na ito:
“Mukha artisthin dn.mana su ryza cenon.cute n cute”
“Super cute ka Night.Proud si Daddy en Mommy mo”

“Ang cute cute nman ng baby Night na yan kagigil ka!”
“wow poging pogi tlaga anak ni idol ko Ryza Cenon,mana sa mommy Ryza nyang maganda”
“So cute tlga ng anak m idol lv u both”