Anak ni Sophie Albert at Vin Abrenica na si Baby Avianna, dalawang buwan na

May 15 Sabado, ay nagkaroon ng panibagong month photosh00t si baby Avianna para sa kanyang 2 months old. Sa instagram ni Vin Abrenica nag bahagi siya ng napaka cute na larawan ni baby Avianna katabi ang kanyang cup cakes na naka ayos ng number 2.

Credit: Vin Abrenica instagram

Narito ang sinabi ni Vin sa kanyang caption, “Happy Birthday my sweet little princess! With each day you grow, so does the love that daddy has for you. Happy 2 months!” Samantala, binahagi rin ni Sophie ang parehong larawan ni Avianna sa kanyang instagram account.

Credit: Vin Abrenica instagram

“Happy 2 months my sunshine.” Ang sabi ni Sophie sa kanyang caption. Pround parents nga sina Vin Abrenica at Sophie Albert kay baby Avianna dahil ito ang nagbigay kulay at sigla sa kanilang buhay.
Hindi man naging madali sa kanila ang pagiging first time parents ay ginagawa naman ang best ng mag asawang Vin at Sophie para sa kanilang little princess na si baby Avianna.

Credit: Vin Abrenica instagram

Hand ons naman ang kanyang daddy Vin at napaka responsable nito sa pag aalaga kay baby Avianna na mapapansin din sa kanyang mga instagram post. Ngayon nga ay madalas din mag upload ng video ang mag asawang Vin at Sophie sa kanilang youtube channel.

Credit: Vin Abrenica instagram

Mapapanood nga sa kanilang mga vlogs ang kaganapan sa kanilang buhay bilang isang pamilya, lalo na ang pag update sa month celebration ni baby Avianna. Nakakatuwa naman makita na parang mag best friend lang sina Vin at Sophie tuwing nag vivideo ang mga ito, At hindi rin mapigilan matuwa ng kanilang mga fans kung paano ang turingan nila sa isa’t isa.

Credit: Vin Abrenica instagram

Nag tutulungan nga sina Vin at Sophie sa pag aalaga kay baby Avianna lalo na at hindi man sila kumuha ng yaya para kay Avianna.