Anak ni Valerie Concepcion na si Heather, nagdiwang ng kanyang ika-17 taong kaarawan

Noong Lunes, October 25 ay nagdiwang ng 17th birthday ang anak ng aktres na si Valerie Concepcion. Masayang naipagdiwang ni Heather ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang pamilya.

Mahal na mahal ni Valerie ang kanyang anak. Sa post nito, pinaabot ni Valerie ang kanyang pagbati sa anak. Simple pero talagang nakaka touch ang kanyang mensahe para sa anak.

Credit: Valerie Concepcion instagram

 

“Before this day ends, I want to greet my lovely daughter—Happy 17th Birthday, Heather! Sharing each day of my life with you is so special. Don’t forget that I am here for you and you are very much loved.

No matter how old you get, you will always be my baby girl and I will never stop loving you. You are and will always be my greatest treasure,” saad ni Valerie sa kanyang interview.

Credit: Valerie Concepcion instagram

Sa isa namang interview ni Valerie sa Magandang Buhay morning show, 16 years old lamang siya nang siya ay buntis sa kanyang anak. Ngayon, malaki na ito at dalaga na rin.

“Tinago ko [sa parents ko] na may boyfriend ako, tapos biglang buntis na nga. Habang buntis pa ako, kinukulong ako sa bahay kasi natatakot sila na baka makipagtanan ako. Kasi na-in love talaga ako nung time na yun sa tatay ng anak ko,” saad ng aktres.

Credit: Valerie Concepcion instagram

Naibahagi din sa atin ni Heather na bagamat hindi hindi pa nakikita ni Heather ang kanyang ama. Open naman at nasasabi talaga ni Valerie ang totoo sa kanyang anak.

“Bata pa lang sya, hindi ako n@gs!sinungaling. Sinasagot ko nang maayos, ini-explain ko lahat. Kahit hindi pa niya nakikita in person yung dad nya, pinakita ko yung picture. Ito yung tatay mo, ito ang pangalan nya. Wala akong sinisikreto sa kanya,” kwento niya.

Credit: Valerie Concepcion instagram

Patuloy pa ni Valerie, open daw talaga siya sa anak kaya maging si Heather mismo ay open at honest sa kanya.

Credit: Valerie Concepcion instagram

“Ngayon na teenager na sya, hindi sya nagsi-sikreto sa akin and I’m so thankful. At least maga-guide ko sya nang tama. Mas malaki yung tsansa na hindi nya maulit yung mga pagkakamali ko sa buhay,” dagdag pa niya.

Credit: Valerie Concepcion instagram