Anak nina Billy at Coleen Crawford na si Amari, 1 year old na!

Sinong mag-aakala na isang taon na ang unang anak ng magagaling na artista na sina Billy Crawford at Coleen Garcia na si Baby Amari?

Parang kailan lamang nang umani ng maraming reaksiyon sa publiko ang naging hindi pang karaniwang paraan ng panganganak ni Coleen at ngayon ay isang taon na ang naka-lipas.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Mula nang ipanganak ni Coleen si Baby Amari ay bukas na sa publiko ang naging motherhood journey nito at tulad ng mga iba pang celebrity first time parents, labis na saya ang nadarama nina Coleen at Billy sa pagpapa-laki ng kanilang unico hijo.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Madalas magbahagi ang mag-asawa ng mga cute na cute at makukulit na letrato at video ni Baby Amari sa kani-kanilang Instagram account at kaagad na mapapansin kung gaano na ito ka-laki makalipas ang mahigit 12 na buwan.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Makikita rin sa mga ibinabahaging letrato ng mga ito kung gaano ka-saya ang mga Crawfords sa kanilang munting pamilya. Talagang enjoy na enjoy ng mga ito ang pagiging magulang sa kanilang napaka-cute at bibong anak.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Kamakailan-lamang ay araw-araw nang nagbabahagi si Coleen sa kanyang Instagram account ng mga letrato ni Baby Amari at pati na rin mga family pictures ng mga ito. Hindi lamang iyon dahil inumpisahan na rin ng aktres ang pagka-countdown sa kaarawan ng kanyang anak sa pamamagitan ng paglalagay ng hashtag na #amariturnsone sa kanyang mga caption.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Mararamdaman kung gaano ka excited si Coleen bilang ina na ipagdiwang ang unang kaarawan ng kanyang Baby boy. Isa sa mga ibinahaging letrato ni Coleen ay ang napaka-gandang family picture nila ng kanyang pamilya na ipinost nito kahapon lamang.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

“Nice and cozy. #amariturnsone” saad nito sa kanyang caption na bagay na bagay sa tema ng kanilang letrato. Ang pamilyang Crawford ay relax na relax na nakaupo sa isang sofa at mayroong matatamis na ngiti sa kanilang mga labi.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Talagang walang nagpahuli sa mga ito dahil pati si Baby Amari ay cute na cute na nagpakita ng kanyang big at sweet smile. Napaka-gandang tignan ng mga ito dahil sa kanilang mga genuine at natural na reaksiyon na halatang-halata na masaya sila kanilang buhay may pamilya.

Makikita rin sa mga letrato ng mga ito na kasama sa family picture ang kanilang cute na cute na aso na hindi rin nagpahuli sa pagpose at pagpapa-kuha ng letrato.