Anak nina Billy Crawford at Coleen Garcia na si Amari, nagdiwang na ng kanyang 2nd birthday

Ang bawat kaarawan ng mga anak sa mga magulang ay talaga nga namang pinapahalagahan, ito kasi ang araw para kanilang ipagpasalamat ang araw ng dumating sa kanilang buhay ang kanilang anak.

Credit: @coleen Instagram

Hindi lang naman ito ang panahon para gawin ito ngunit isa itong espesyal na araw para sa kanilang naisilang sa mundong ito, ito ang panahon para balikan ang ilang mga masasayang ala-ala kasama ang anak sa ilang taon na kasama nila ito.

Credit: @coleen Instagram

Nito lamang ng nag diwang ng kaarawan si Billy Crawford na talagang pinaghandaan ng kanyang asawa na si Coleen Garcia. At ngayon naman ay ang kanilang anak na si Amari ang nag diwang ng ikadalawang kaarawan nito!

“Happy happy 2nd birthday our little angel. Mommy @coleen and I love you SOOOOOOOOOO much!” bati ni Billy sa kanyang anak sa post nya sa Instagram.

Credit: @coleen Instagram

Hindi naman nag pahuli ang Mommy Coleen ni Amari sa pagbati dito, “Happy 2nd birthday to my little ray of sunshine! I pray that you stay as beautiful, loving, gentle, sweet, funny, happy, and vibrant as you are! We love you sooooooo much, my baby Amari 🥹” caption nito.

Makikita sa video nga na naipost ni Billy na tuwang tuwa ang bata habang nilalaro sya ng mga balloons nito nang kanyang daddy Billy, todo hagikgik nga ito na talaga nga namang mapapangiti ka sa cuteness overload.

Credit: @coleen Instagram

Lubos nga ang pasasalamat ng dalawa sa kanilang anak na si Amari sa pagdating sa buhay nila,

“Y0u are such a blessing t0 have and we thank the L0rd up ab0ve f0r y0u! H0pe y0u enj0y this day cause it’s definitely special 🤗 ❤️” dagdag pa ni Billy, “Thank y0u for bringing even m0re c0lor int0 our lives every day! We’re enj0ying every stage of this journey with you. 🤍 And I promise, no more DIY haircuts on your next bday. 🥲” sabi naman ni Coleen.

Credit: @coleen Instagram

Marami sa netizen ang nagpaabot nga ng kanilang pagbati kay Amari. Umabot na nga sa 29,179 likes ang nasabing video mula ng ito ay maipost.

Sa huli isang pagbati sa ito Amari! Happy 2nd Birthday! Maging kasiyahan ka pa sanang lubos ng iyong magulang, at maging pagpapala.