Cute na anak nina Camille Prats at VJ Yambao na si Nala Camilla, nagdiwang na ng kanyang ikatlong taong kaarawan

Kung panahon lang din ang pag-uusapan, talaga nga namang napakabilis lumipas nito. Parang kailan lang noong ikinasal ang celebrity couple na sina Camille Prats at VJ Yambao.
Matapos ng kasal, nakabuo sila ng masayang pamilya. At ang kanilang baby princess na si Nala Camilla ay naisilang sa mundo.
Credit: Camille Prats Yambao instagram
Sino ba ang mag-aakala na ang batang ito ay 3 years old na ngayon? Hindi ba’t parang isang iglap lang noong ipinagbubuntis pa lang ito ni Camille. Ngayon, kanilang ipinagdiwang ang espesyal na araw ni Nala na makikita sa kanilang IG. Dito ibinahagi ni Camille ang mga larawan ng naging selebrasyon ng kanyang kaarawan.
Credit: Camille Prats Yambao instagram
“We now have a threenager! Just like how our friend describes it, last phase of being a baby and starting to act and talk like a grown up!,” saaad ni Camille sa caption.Mukhang hindi pa ready si Camille sa mabilis na paglaki ni Camilla.“Not too fast my love. Happy birthday my @nalacamilla. Keep shining,” dagdag pa ni Camille.
Credit: Camille Prats Yambao instagram
Maging ang proud na proud na daddy na si VJ ay nagbahagi din ng kanyang sweet message para sa kanyang anak.“Happy birthday to my baby girl, may God bless you with all the wonderful things that you deserve in this life. We love you bear,” kalakip nito ay isang larawan nilang dalawa ni VJ at Nala.
Credit: Camille Prats Yambao instagram
Si Nala ang panganay na anak ni VJ at Camille. Siya ay ate na rin sa kanyang kapatid na si Nolan, na nagdiwang ng 1st birthday noong July.Bukod dito, may isa pang anak si Camille na si Nathan, 12 years old sa kanyang yvma0ng asawang si Anthony Linsangan sa edad na 31 years old.Matapos ang anim na taon, ikinasal si Camille kay VJ na isang businessman noong 2017 at ngayon ay nakabuo ng patuloy na lumalaking pamilya.
Credit: Camille Prats Yambao instagram