Anak nina John Prats at Isabel Oli na si Lily Feather, nagdiwang ng kanyang ika-5 taong kaarawan

Sino ba ang hindi nakaabang noon sa kwento ng couple pa noon na sina John Pratts at Isabelle Oli? Hanggang sa nauwi ang lahat sa kasalan na talagang kinakiligan naman ng marami ang proposal ni John.

Kalaunan, nakabuo sila ng masayang pamilya at unang bunga ng kanilang pagmamahalan ay si Lily Feather. Siya ay naisilang noong April 18, 2016 kaya naman ngayon ay ipinagdiwang nila ang kaniyang 5th birthday.

Sa loob ng 5 taon, naging Ate na si Feather sa kanyang dalawang kapatid. At sa kanyang kaarawan ngayon, tanging hiling ng kanyang mommy na si Isabel na patuloy lang siyang i bless at i guide ng Panginoon sa kanyang buhay.

“And just like that you are 5. Momma has your back always. Praying that God will continue bless, protect, guide and shine His face upon you. Happiest birthday, my sweet and full of kwento @featherprats” “I love you to infinity and beyond,” mensahe ni Isabel.

Siyempre, masayang masaya din naman ang proud father na si John Pratts na mahal na mahal ang kanyang mga anak. Matatandaang noong May 2016 ay ang unang beses na ipakita nila ang kanilang panganay na anak sa social media.

“April 18,2016 , 11:47am . Nakita natin ang napakagandang Anghel. Si @featherprats . Grabe, 1 month na nakalipas. Ang bilis ng panahon. Gusto ko magpasalamat kay Lord God sa safe de3ivery and sa healthy baby na binigay sa amin ni @isabeloliprats . Ngayon gusto namin ishare ang pictures namin.

Credit: Lily Feather D. Prats instagram

World, meet our Baby Dynamite @featherprats . #WeAreTheDynamites A video posted by John Paulo Q. Prats (@iamjohnprats) on May 17, 2016 at 8:49pm PD,” saad ni John sa kanyang caption.
Para naman kay Isabel, si Feather ay isang woman of faith na may tak0t sa Diyos.

“I pray that she will grow to be a woman of faith and integrity, walking with the Lord and fulfilling His great purpose,” patuloy pa niya.