Anak nina Judy Ann at Ryan Agoncillo na sina Yohan,Lucio at Luna nakakatuwa na nag tulong tulong sa pagluto ng Aglio Olio with Adobo Flakes

Ang mga anak ng power couple na sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos-Agoncillo na sina Yohan, Lucio at Luna ay marunong nang magluto.

Credit: Angrydobo instagram

Sa isang post ng @officialangrydobo sa instagram ay may post noong nakaraang linggo na nagpapakita na ang magkakapatid ay nagluluto ng Aglio Olio ala @ngrydobo. Ginagamit nila na pansahog sa pasta ang @ngrydobo Flakes na product ng kanilang restaurant.

Credit: Angrydobo instagram

Ang @ngrydobo flakes ay mabibili sa halagang 750Php para sa 500gms. Limited slots lamang ang pwedeng makabili nito kaya naman para sa mga oorder ay imessage lamang sila sa kanilang Viber o WhatsApp sa kanilang hotline na 0919 329 4062. Mayroon ring mga pick-ups tuwing lunes sa Angrydobo Manila o Angrydobo Westgate Alabang.

Credit: Angrydobo instagram

Kitang kita sa bidyo ang pagiging hands-on ate ni Yohan sa kaniyang mga nakababatang kapatid. Napansin ng mga netizens na maalaga ang kanilang ate na si Yohan at sobrang nawili ang mga netizens sa mga cute na young chefs ng pamilyang Agoncillo.

Credit: Angrydobo instagram

Ang @ngrydobo ay ang restaurant ng mag-asawang Ryan at Juday. Ito ay nagbukas lamang noong nakaraang taon. Ang @ngrydobo ay may ipinagmamalaking Adobo dish na hinanda umano ni Juday para sa kaniyang partner na si Ryan noong sila ay nagkaroon ng tampuhan sa Los Angeles 14 na taon na ang nakakalipas.

Credit: Angrydobo instagram

Ang di makalimutang LQ o lover’s quarr3l story na ito ng dalawa na nakapaginspire sa pagpapatayo ng kanilang restaurant ay nakalagay sa pader at sa menu ng Angrydobo para ang mga kumakain doon ay malaman ang pinagmulan ng Angrydobo.

Credit: Angrydobo instagram

Sa loob ng restaurant ay may mga nakapaskil na mga hugot lines tulad ng “Makakatikim ka sa akin!” o “May toyo ka na naman!”. Ang mga witty lines na ito ay kinawilihan ng mga diners.

Credit: Angrydobo instagram

Ang mga hot bowl dishes nila ay nakalagay sa mga hugis puso na mga mangkok kaya talaga nga namang mararamdaman mo ang init ng pagmamahal sa bawat higop mo sa mainit na sabaw.

Credit: Angrydobo instagram

Usap usapan kung gaano kasarap ang mga inihahanda sa Angrydobo tulad na lamang ng short ribs, tofu, classic pork belly at chicken thighs samahan mo pa ng kangkong, gising gising or laing.

Binabalik balikan talaga ng mga diners ang sarap ng mga hinhanda sa Angrydobo kaya naman tuwing biyernes noong wala pang pandemya ay sobrang dami ng tao ang dumadagsa dito. Ang waiting time ay umaabot pa sa isang oras at uupo ka muna sa labas upang maghintay para makapasok ka.