Anak nina Lucy at Richard Gomez na si Juliana, hinangaan ng mga netizen habang nagfefencing

Maraming nakakakilala sa dating artista na si Richard Gomez dahil sa kanyang taglay kagwapuhan at natural na talento sa pagiging television presenter, aktor, director at ngayon pati na rin sa pagiging mabait at magaling na politician sa kanilang lugar.

Credit: Juliana Gomez instagram

Kasabay ng kanyang career sa mundo ng showbiz ay nakilala rin ni Richard ang kanyang magiging kasama sa buhay at ito ay ang napaka- ganda at magaling din na artista na si Lucy Torres noon na naging politician na rin ngayon.

Credit: Juliana Gomez instagram

Matatandaang noong 1998 ay ikinasal ang dalawa sa St. Peter and Paul Parish at nitong Abril lamang ng taong 2021 ay ipinagdiwang ng mga ito ang kanilang ika- 23rd na wedding anniversary.
Hanggang ngayon ay makikitang masayang- masaya pa rin ang dalawa sa kanilang relasyon kasama ang kanilang nag- iisang anak na babae na si Juliana Gomez.

Credit: Juliana Gomez instagram

Ipinanganak ni Lucy ang kanilang nag- iisang anak ni Richard noong Setyembre 2002 at ngayon ay 20 years old na ito. Talaga namang kay bilis ng panahon kaya naman si Richard ay hindi mapigilan ang kabahan para sa kanyang unica hija.
Habang lumalaki si Juliana ay nakilala talaga ito ng madla dahil simula bata pa ito ay lagi nang ibinabahagi ni Richard ang mga dokumentaryo ng mga milestones ni Juliana.

Credit: Juliana Gomez instagram

Alam na alam naman ng lahat na isang magaling na athlete rin si Richard sa sports na fencing dahil nanalo na ito ng ilang awards noon sa sports na ito. Kaya naman hindi na nakakapag- takang siya ay naging president ng Philippine Fencing Association.

Credit: Juliana Gomez instagram

At bilang nag- iisang anak, tulad ng kanyang ama ay naging hilig din ni Juliana ang pagfe- fencing kaya naman kasali ito sa mga nagte- training sa Association ng kanyang ama.
Sa latest post ni Juliana sa kanyang Instagram account ay nagpost ito ng mga letrato niya suot- suot ang uniform sa kanyang mahal na sports at habang kausap ang kanyang coach.

Credit: Juliana Gomez instagram

 

“Good things take time” saad nito sa kanyang caption. Simpleng-simple lamang ang kanyang caption ngunit mararamdaman naman ang kanyang determinasyong matuto sa pagfe-fencing.

Mababakas sa mga reaksiyon nito sa mga letrato kung gaano ito ka-focus sa kanyang ginagawa upang mas gumaling pa rito. Talaga nga namang nakuha nito ang hilig ng kanyang ama sa sports at tiyak na magiging magaling din itong atleta sa pagdating ng panahon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juliana Gomez (@gomezjuliana)

Ngunit kahit nagiging abala ito sa kanyang hilig sa pagfe- fencing ay hindi pa rin nakakalimutan ni Juliana ang kanyang mga responsibilidad sa pag- aaral dahil nasa third-year na ito sa kanyang course na Public Administration sa Unibersidad ng Pilipinas.