Anak nina Zeinab Harake at Skusta Clee na si Bia, kinagiliwan ng mga fans dahil sa sobrang cute na mga litrato

Nauso ngayon ang paggawa ng official account ng mga parents para sa kanilang babies lalo na ng mga celebrity o influencer na mga naging ganap na magulang. Ang kanilang mga taga-suporta ay nagiging mga fans din ng kanilang mga anak at gustong-gusto o inaabangan ang mga updates tungkol sa kanila.

Credit: bia instagram

Kaya ang ibang mga cute babies ngayon ay makikitang mayroong sariling mga account na hinahandle ng kanilang mga magulang. Dito ipino-post ang mga updates at iniipon ang napakaraming pictures nila. Tulad na lamang ni baby Bia na anak nina Zeinab Harake at Daryl Ruiz o mas kilala bilang Skusta Clee.
Credit: bia instagram

Sa official account ng baby girl ay ibinahagi ang kanyang picture kung saang makikitang ang mga suot niya ay kulay blue at may konting kulay puti. Mapapansin din ang kanyang eleganteng background at mga props na maaaring familiar sa ibang mga Disney fans.

Credit: bia instagram

May caption ang post na “Our Cinderella 06-28-2021 2months 💙”. Noong June 28 lang nang mag 2 months old ang baby girl. Ang kanyang photoshoot at outfit ay Cinderella-inspired.

Sa unang picture pa lang ay kitang-kita na ang bright eyes ni Bia at ang kanyang pasimpleng pag-ngiti. Sa pangalawang picture naman ay isang close-up sh0t kung saan mas lalong nakakagigil ang baby girl dahil mas masasaksihan dito ang kanyang cuteness at malaking ngiti.

Credit: bia instagram

Sa mga pictures ni Bia ay masasabi mo talagang siya ay photogenic. Siya ay marunong nang ngumiti at tumingin sa camera. Maaalalang sa 1st month old ni Bia ay mayroon ding ibinahaging picture sa kanyang account kung saan ang kanyang outfit at background naman ay Princess Aurora-inspired.

Credit: bia instagram

Nang nagkaroon ng maternity photoshoot si Zeinab noong buwan ng April ay maaalalang ang kanyang photosh00t ay Disney Princesses-inspired. Sa kanyang mga outfit at naging backgrounds ay kitang-kitang inspirasyon niya sa mga ito ang mga Princesses na sina Jasmine, Cinderella, Aurora, Ariel, Belle, at Snow White.

Credit: bia instagram

Tila ganito rin ang theme o inspiration na makikita sa susunod pang mga “monthly birth celebration” ni baby Bia dahil maaaring itinutulad ito sa maternity sh00t theme ng kanyang mommy Zeinab.

Tulad ng ibang mga magulang, hindi rin pinapalampas nina Zebby at Daryl na kuhanan ng mga pictures ang kanilang first-born child. Sa paraang ito ay mas makikita nila at ng mga tagahanga ang paglaki ni Bia at pwede pang balik-balikan ang mga captured-moments na ito.

Credit: bia instagram

Kung bibisitahin ang Instagram account ng baby girl na may username na “@biaharakeruiz” ay siguradong mabubusog ang iyong mga mata dahil sa “cuteness overload” na kitang-kita sa lahat ng mga pictures.

Credit: bia instagram

Si Zebbiana “Bia” Harake Ruiz ay ipinanganak noong April 28, 2021. Ang kanyang mga magulang ay mga kilalang personalidad dahil ang kanyang mommy Zeinab ay isang vlogger habang ang kanya namang daddy Daryl ay isang singer na mas kilala sa pangalang Skusta Clee.

Credit: bia instagram