Andi Eigemann, isinilang na ang healthy baby boy nila ni Philmar Alipayo

Isa ang magpartner na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa mga sinusubaybayan ng mga netizens dahil sa kanilang payak ngunit masayang pamumuhay sa isla ng Siargao.

Credit: Andi Eigemann instagram

Marami ang talagang natutuwa dahil kahit na kaya naman nilang mamuhay ng marangya ay mas pinili nila na maging simple,humble at pribado ang kanilang buhay, ultimo ulam na kanilang kakainin ay si Philmar pa ang nanghuhuli at magluluto na talagang ikinatuwa ng mga fans sa kanilang pamilya.

Credit: Andi Eigemann instagram

Si Andi ay mayroong unang anak sa kanyang unang partner na si Jake Ejercito, at sya ay pinangalanan nilang Ellie, at kahit na hiw@lay na sila ay hindi ito naging hadlang upang hindi nila mapunan ang kailangan ni Ellie sa kanyang mga magulang.

Credit: Andi Eigemann instagram

Buwan ng Agosto 2020 nang ianunsyo ni Andi ang kanyang pagbubuntis sa kanilang vlog kasabay ng isang special nilang regalo kay Philmar na talaga namang ikinatuwa nito, sumunod naman ng gumawa ng simpleng gender reveal si Andi para isurpresa sina Philmar at Ellie at tuwang tuwa naman sila dahil sa wakas ay magkakaron na ng baby boy sa kanilang pamilya.

Credit: Andi Eigemann instagram

Buwan ng Disyembre 2020 ng ipost ni Andi sa kanilang Youtube Channel  habang sila ay nasa bakasyong pamilya ay sinurpresa naman ni Philmar si Andi ng isang simple ngunit nakakakilig ring proposal,simple ito dahil ito nga rin ang gusto nilang dalawa.

Ngayong araw naman na ito ay nagpost si Philmar na nanganak na nga ang kanyang fiance na si Andi at ito naman ang naging caption nito:

‘Thanks for bringing our boy to this world! I am very proud of you mahal ko ♥️ you are the strongest person i know 🙏🏽’

at kasunod nito ay ang IG post ni Andi at ito ang naging caption:

‘We did it again papa! This journey was more of a breeze with you by my side. Thank you for being my rock! Because of you my worries and fears go away. I love love being your partner and going through this wonderful life, raising our kids with you. Glad I get to do this with you for life!♥️’

Umani naman ng samo’t saring pagbati mula sa kanilang mga kaibigan at mga fans at ito ang iba sa mga ito,

‘Congratulations Mama Andi and Papa Philmar! ❤️✨ Another beautiful blessing indeed!’

‘ So happy for you and your beautiful family!!! Congratulations!!!!’

‘Yaaay can’t wait to meet him 💙’