Andi Eigenmann at boyfriend nitong si Philmar Alipayo, masayang ibinalita na sila ay engaged na

Kinabibiliban talaga ang couple na ito hindi lamang dahil sa kilig na kanilang pinaparamdam sa atin. Kundi, dahil na rin sa kanilang pagiging totoo at pagpapakita ng kanilang pagmamahalan at pag-iibigan.

Credit: Andi Eigenmann instagram

Matagal na rin ang magkasintahan na sina Andi Eigenman at Philmar Alipayo. Sa kanilang pagsasama, makikita ang tunay na pagmamahalan sa isa’t-isa. Dito kasi natuto si Andi na mamuhay ng payak na naging mas masaya pa siya sa kanyang buhay.

At ngayon, ibinigay na ni Andi ang hininging matamis na oo ni Philmar sa kanya. Officially engaged na si Philmar at Andi.

Credit: Andi Eigenmann instagram

“This actually happened on our 3rd day, but we want to save the best for last. Excuse our footage because it forged up from the rain,” kwento ni Andi.

Credit: Happy Islanders Youtube

Hindi daw talaga ito naging publiko mula pa noong nakaraang tatlong araw dahil gusto nila itong maging personal.

Credit: Happy Islanders Youtube

“We’d like to keep the personal conversation just between the two of us, to keep it special, but want to share the moment with you all, anyway,” pagpapatuloy ni Andi.

Ayon kay Andi, nagsimula daw ang proposal sa simpleng kwentuhan lamang nila na pinag-uusapan nila ang future. Nagtataka siya dahil hindi daw ito usual kay Philmar. Hanggang sa sinabi ni Philmar na,”From my whole heart, I am asking you if you will marry me.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)

Nagsimula na siyang matawa at maiyak hanggang sa sinabi niya ito at inilabas ang singsing. “I never thought about how my engagement would go because quite honestly, I didn’t think I’d have one,” sambit pa ni Andi.

Masayang masaya naman si Andi at wala daw siyang pinanghihinayangan dito dahil nangyari daw ito sa paraan at pangyayaring naaayon sa kanya,

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)

“It would’ve been ok regardless, but it did happen. And it happened the way I wanted it and so much more. Nothing grand. Unprompted, simple and oh so sincere. That’s us. That’s him. That is how I want the rest of my life to be. I am over the moon, so stoked to be spending it with you my mahal @chepoxz! So stoked to be riding the waves of life with you forever,” patuloy pa ni Andi.