Andi Eigenmann, binahagi ang “first dip” sa dagat ng kanyang bunsong anak na si Koa

Ang Siargao-based actress at mother of three na si Andi Eigenmann ay nagbahagi ng larawasn ng kaniyang bunsong anak sa kaniyang instagram account. Ang naturang larawwan ay larawan ni baby Koa kung saan idinadampi nito ang kaniyang maliliit at cute na paa sa tubig dagat.

Credit: Andi Eigenmann instagram

“My friend @leagoeson got to snap some pics of Koa’s first dip in the ocean. Exciting times are up ahead indeed!” saad ni Andi Eigenman sa kaniyang ibinahaging larawan.

“Can’t wait for more ocean time with this guy and start getting him used to being in the water just like his sisters,” dagdag pa nito.

Credit: Andi Eigenmann instagram

Nito lamang nakaraan din ay ibinahagi ni Andi Eigenmann ang larawan ng kaniyang bunso kung saan sa kaniyang ipinost na picture ng kaniyang anak na nakasuot pa ito ng beige onesie na may hoddie. Kita sa larawang ito ang maganda at nakabubuhay na ngiti ni baby Koa habang nakatingin sa camera, na tila ba fini-flex pa ang kaniyang dimple sa kanang pisngi.

Credit: Andi Eigenmann instagram

“Already changing as he grows, in all the best ways. With more awake times, he wants more playtime too!” saad ni Andi sa kaniyang caption. Ayon kay andi, nitong mga nakaraang araw ay sagana sa mga first time ang kaniyang bunsong anak, gaya ng kaniyang first back-to-tummy roll at ang una nitong pagtawa na ang dahilan ay ang ama nitong si Philmar.

Credit: Andi Eigenmann instagram

Ilang buwan pa lamang mula noong isinilang ni Andi Eigenman ang kaniyang bunsong anak na si baby Koa, ngunit talaga nga namang kinagigiliwan na ito.

Credit: Andi Eigenmann instagram

Mayroon ding isang taong gulang na anak ang magpartner na si Philmar at Alipayo at Andi Eigenmann na may pangalang Lilo. Ang panganay na anak naman ni Andi na si Ellie ay anak nito sa kaniyang x  na si Jake Ejercito. Apat na buwan pa lamang si baby Koa, noong buwan ng Enero ngayong taon nang isilang siya ng aktres.

Credit: Andi Eigenmann instagram