Andi Eigenmann, binahagi ang kanilang masasayang litrato habang nasa bakasyon

Kilala nating lahat ang Happy Islanders Fam bilang adventurous at masayahin. Tila napakasaya nga naman ni Philmar at Andi kasama ang kanilang mga anak na nagaadventure. Ngayon, ito na ang first time nilang magaadventure sa ibang bansa. Ito ang unang beses nilang babyahe pa-ibang bansa. Sila ay nagtutungo sa Bali, Indonesia kasama ang kanilang mga chikiting na sina Ellie, Lilo at Koa.

Credit: @andieigengirl Instagram

Makikita sa kanilang post na buo at masayang pamilyang namamasyal. Sana all, di ba?
Mukha nga naman talagang excited na excited ang mga bata sa kanilang family trip. Sa Changi Airport ng SG pa lamang sila ay talagang makikita ang excitement sa kanila.

Credit: @andieigengirl Instagram

Nandito sila para maghintay sa kanilang transfer trip papuntang Bali, Indonesia. Umabot din ito ng halos higit sa dalawang oras.

“Been dreaming about this moment! To me, there is no better way to make cherishable memories than to travel the world with my family,” kwento ni Andi.

Credit: @andieigengirl Instagram

Matapos ang pand3my@, sa wakas ay naituloy na nila ang kanilang bakasyon.

“We were finally able to do it! With the p@nd3mic, money saving, (and even the kids getting s!ck and us having to push back our entire trip to give them time to get better), it sure feels so much sweeter to finally be here!,” patuloy ni Andi.

Credit: @andieigengirl Instagram

Mapapanood ang kanilang buong adventure trip sa kanilang Youtube Channel.

“For our first #HappyIslandFam vacation, we decided to go to Bali, Indonesia! Catch our adventure on the #HappyIslanders Youtube channel this weekend!,” dagdag pa ni Andi.

Credit: @andieigengirl Instagram

Sa kabila man ng pagiging busy ni Andi at Philmar, nakakatuwa na mayroon silang quality time para sa mga bata at para sa buong pamilya.

Credit: @andieigengirl Instagram

Hindi naman matatawaran ang saya na ito na ibinibigay nila para kina Ellie, Lilo at Koa. Mas lumalalim ang kanilang pagsasamahan bilang pamilya at mas mahalaga ay ang naibibigay nilang oras at atensyon sa kanila.