Andi Eigenmann, sinabi na ang gender ng kanilang baby ni Philmar Alipayo

Noong Agosto tatlóng pû ng kasalukuyang taon, isiniwalat ni Andi na siya ay buntis. At ang sanggol na ngayoy dala dala niya ay ang pangatlong anak niya. Alam natin Si Lilo ang kauna-unahang anak nina Eigenmann at Alipayo, habang si Ellie ay anak ng aktres kasama ang dating kasintahan na si Jake Ejercito.

Credit: Happy Islanders Youtube

Sa isang video message para sa kapareha niyang si Philmar Alipayo na nagdiriwang ng kanyang kaarawan, sinabi ni Andi, “I’m so happy to be building this family with you and I hope that you consider this an amazing gift for you on your birthday.”

Credit: Happy Islanders Youtube

Nag-post din si Philmar sa Instagram, sinasabing: “Another blessing Coming in 2021 .. I love you so much mahal ko @andieigengirl.”

Credit: Happy Islanders Youtube

Ibinunyag na ni Andi Eigenmann ang kasarian ng kanilang pangatlong anak. Sa kanilang YouTube channel na “Happy Islanders”, ibinahagi ni Andi ang kanyang Do it yourself gender reveal na naisipan niyang gawin upang i-supresa ang kanyang pamilya.

Credit: Happy Islanders Youtube

Gumawa si Andi ng mga cupacakes na sa loob nito ay makikita ang kulay na ‘pink’ o ‘blue’ na siyang magsasabi kung babae ba o lalake ang kasarian ng kanyang pangatlong anak.

Credit: Happy Islanders Youtube

Sa kanilang vlog, makikitang talaga naman pinaghirapan ni Andi sa pagsasagawa ng kanyang DIY cupcake gender reveal gayung laging nasa tabi niya ang panganay niyang si Ellie.

Credit: Happy Islanders Youtube

Pinuntahan naman kaagad ni Philmar ang kanyang asawa kasama ang anak nilang si Lilo pagkagising nito. Sa huli, napagtagumpayan niyang ilagay ang kulay sa loob ng cupcakes habang naghahanda ang kanilang pamilya para sa gender reveal.

Credit: Happy Islanders Youtube

Sa paghahanda sa gender reveal silang pamilya ay nagsuot ng damit na kulay asul sapagkat ninanais nilang magkaroon ng anak na lalaki sapagkat magkasunod na babae na ang kanyang nagging mga anak na sina Lilo ay Ellie.

Credit: Happy Islanders Youtube

“I want a boy but I think it’s a girl!” ang nasambit ni Ellie bago pa man niya kainin ang cupcakes upang makita ang kulay na nasa loob nito.

Credit: Happy Islanders Youtube

Inakala nila noong una na white ang kulay ng nasa loob ngunit nang tingnan muli ito ni Philmar “that’s blue” ang nasabi niya. Masaya ang pamilya at natupad ang kanilang hiling na magkaroon na sila ng baby boy.

Credit: Happy Islanders Youtube