Andrea Brillantes, pinakita ang mga mamahaling regalo na binigay sa kanya na nagkakahalaga ng 1 milyong piso

Hindi man nakapagdaos ng selebrasyong nakagisnang magarang debut party ang paboritong young star actress na si Andrea Brillantes para sa kaniyang 18th birthday, naging memorable pa rin naman ito dahil sa mga taong malapit sa kaniya.

Credit: Andrea B. Youtube

Sa pinakabagong vlog ng aktres na si Andrea sa kaniyang YouTube channel, siya ay nag-unboxing ng mga regalong natanggap niya mula sa kaniyang 18th birthday nitong nakaraang Marso.

Credit: Andrea B. Youtube

Tinatayang mahigit kumulang isang milyong piso ang halaga ng kaniyang mga natanggap na regalo.
Ayon sa kaniya, ang mga nagmamahalang regalong ito ay galing sa itinuturing niyang pangalawang pamilya. Mga taong tumulong sa kaniya sa kaniyang career, at tumulong sa kaniyang maabot ang kaniyang pangarap.

Credit: Andrea B. Youtube

Ilan sa mga natanggap niyang regalo ay mga Louis Vuitton bag, sapatos, hair clips, at Balenciaga bag, Gucci belt, at scarf, at Prada bag.

Credit: Andrea B. Youtube

“Itong mga regalo na nakikita niyo lahat ito ay galing sa second family ko. Sila ang nakatulong sa’kin sa pangarap at mabili ang bahay na ito,” sabi niya sa naturang vlog. Pinakita niya rin ang unang regalong natanggap niya na mula sa vlogger at actress na si Ivana Alawi. Binigyan siya nito ng LV hair clips na nagkakahalagang P18,000 at high-end blower na mahigit P30,000. Binigyan din niya si Andrea ng Givenchy slides at Gucci bag.

Credit: Andrea B. Youtube

“Kahit na papel lang ang ibigay niya sa’kin masayang-masaya na ako. Pero binigyan ako ni Ate Ivana ng bag. Sobrang salamat po Ate Ivana, mahal na mahal kita!” Buong kasiyahang sabi ni Blythe.

Credit: Andrea B. Youtube

“Nagandahan ako dito kasi may baraha eh mahilig ako mag-tong its,” sinabing pagbibiro ni Blythe habang tumatawa habang ipinapakita ang isang Louis Vuitton shoes na may playing card design.
Nakuha pang magbiro ni Blythe sa natanggap niyang Hermes sandals, sabi niya ay mas maganda pa ito kumpara sa kaniyang paa.

Credit: Andrea B. Youtube

“Mas smooth pa siya sa paa ko na itatap@k ko rito. Parang ‘di nga ata deserve ng paa ko to eh. Mas maganda siya sa mismong paa ko,”

pagkakasabi niya. Ayon sa sikat na young actress, lubusan siyang natutuwa sa mga natanggap na regalo at pagmamahal mula sa mga pinahahalagahang tao sa paligid niya. Sabi niya pa ay ngayon lamang siya makatanggap ng mga ganitong kagagarang regalo.

Credit: Andrea B. Youtube

“First time kong makatanggap ng mga ganitong bagay so wala pa ko sa Heart Evangelista level,” pag-amin ng batang aktres habang may kasiyahan sa mukha. Para sa huling regalong kaniyang ipinakita, binuksan niya ang pinakapaborito niyang natanggap. Isang refrigerator na pinangako sa kaniya ng gumanap na ina niya sa Kadenang Ginto na si Dimples Romana.

Credit: Andrea B. Youtube

“Pangarap kong magkaroon ng sariling ref sa kwarto ko. Sinabi ko talaga kay Ate Dimps,” sabi ni Blythe.