Angel Locsin, pinahanga ang mga fans dahil sa kanyang napakagandang “New Look”

Kilala si Angel Locsin sa kanyang pagiging magaling na artista. De kalibreng aktres nga naman talaga si Angel sa kanyang mga pelikula at teleserye. Makikita ang kanyang angking galing at talento sa pag-arte.

Credit: Angel Locsin instagram

Bukod sa kanyang galing sa showbiz, mas nakilala si Angel sa pagiging matulungin sa mga nangangailangan. Ilang k@lam!dad na ang dumaan sa atin at laging nakaantabay si Angel sa pagtulong sa ating mga kababayan.

Credit: Angel Locsin instagram

Maging sa laban ng mga empleyado ng ABS CBN ay kaisa at kasama nila si Angel dito. Talaga namang talentado, maganda, at napakabusilak ng puso ni Angel.Kaya naman, bagay na bagay ang kanyang caption sa kanyang recent IG post na “Staying power.”

Credit: Angel Locsin instagram

Kalakip nito ay ang kanyang larawan ng kanyang new look na bagay na bagay sa kanya. Nagbago ang kanyang hair color at talagang mas nag glow at lumutang ang kanyang angking ganda.

Credit: Angel Locsin instagram

Ayon sa post ni Angel, ito ay ginawa ng celebrity hairdresser na si Celeste Tuviera.
Talaga namang umani ito ng mga papuri mula sa mga netizens na umabot pa sa halos 200,000 likes. Maging mga kasama ni Angel sa industriya ay todo din ang pagbati sa kanya.
“Gandabae,” saad ng Megastar Sharon Cuneta.

Credit: Angel Locsin instagram

Maging ang TV host na si Amy Perez ay nagkomento na, “Beautiful as ever!”.
At syempre, ang kanyang fiancé, na film producer na si Neil Arce ay nag comment sa post ni Angel.”So beautiful, my Love!” pahayag ni Neil.

Credit: Angel Locsin instagram

Sa kabila man ng mga usap-usapan na h!walay na sila na pinabulaanan naman nilang dalawa, ay nananatili silang matatag bagamat wala pang final date ang kanilang kasal
“Hindi natin alam baka next week may vaccine na. Hindi na lang po kami magko-complain. Maghihintay na lang kami kung ano mang mangyayari,” kwento ni Angel.
“I think we’ll decide somewhere near our date na lang if we’re gonna move it or not,” saad naman ni Neil.