Angelica Panganiban, pinakilig ang mga netizen ng kanyang ipakita ang isang video nya kasama ang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan

Muling nagpost ang aktres na si Angelica Panganiban sa kanyang social media kasama ang kanyang non showbiz boyfriend na si Gregg Homan noong Lunes, May 24. Ipinakita nito ang time lapse video ng paggawa nila ng Lego Car.

Credit: Angelica Panganiban instagram

“Love bug, #beetlebug,” ito ang kanyang caption Sa isang post din nito ay makikita ang isang miniature ng isang sasakyan na gawa din sa Lego. “We might be building our home together.” Ito ang sabi ni Angelica.

Credit: Angelica Panganiban instagram

Isinapubliko ni Angelica ang pagiibigan nito kay Gregg noong bagong taon. Kung isa kang pelikula, sana wala kang ending,” ito angsweet caption ni Angelica sa litrato nila noong bagong taon.
Inulan ito ng reaction at mga komento nang ipost ito ni Angelica sa kanyang social media account. Suportado ang marami dahil masaya sila para kay Angelica.

Credit: Angelica Panganiban instagram

Nabigyan ng clue ang mga netizens kung ano na ang estado ng puso nito noong Nobyembre sa isang vlog. Tinatanong ng paulit ulit ng kanyang mga kaibigan tungkol sa love life nito. Mas lalo pa itong nalinawagan nung mag send ng greetings ang kanyang kaibigan na si Glaiza De Castro noong birthday nito.

Credit: Angelica Panganiban instagram

“Maraming maraming salamat sa patuloy mong pagke-care sa akin. Ngayon hindi ka na m@hihirapan dahil may nag-ki-care sa ‘yo. [laughs] Basta! ‘Yun na ‘yun. Masaya ako para sa ‘yo, amiga,” ito ang sambit ng kanyang kaibigan.

Credit: Angelica Panganiban instagram

Nagbigay pa ng clue ang kanyang kaibigan na si Kevin Samson tungkol sa love life nito.
“Alam ko naman you’re more than happy right now, kasi naniniwala ako na for every person na aalis sa buhay mo, even temporary lang, meron at merong ipapalit si Lord to make you even happier. And you deserve to be. That is an answered prayer for me,” wika ni Kevin.

Credit: Angelica Panganiban instagram

Kaya naman, marami ang suportado at masaya para kay Angelica dahil sa masaya na rin ang puso ng aktres sa kanyang partner ngayon.