Angeline Quinto, may baby boy na ineexpect ngayong taon!

Bukod sa rur0k ng tagumpay ni Angeline Quinto, panibagong milestone ang papasukin ngayon
ni Angge bilang isang ina. Masayang ibinahagi ni Angeline na baby boy ang kanyang baby. Noong Disyembre, inanunsyo na ni Angeline na siya ay buntis. Isang surprise gender reveal party ang hinanda para sa kanya ni Vice Ganda.

Credit: @loveangelinequinto instagram

Pagbabahgi ni Angeline,

“IT’S A BOY!!! Sa wakas ma-ishe-share ko na rin sa inyong lahat ang gender ng aking baby. Maraming salamat ate Vice @praybeytbenjamin at sa Viceral family para sa gender reveal party niyo sa akin! Excited na po ako sa journey ko bilang isang ina. Maraming salamat Panginoon sa isang napakagandang blessing na ibinigay niyo sa akin!”

Credit: @loveangelinequinto instagram

Ilan sa mga kasamahan ni Angeline sa showbiz ay bumati sa kanya, gaya nila Karen Davila, Jodi Sta. Maria, Enchong Dee, Nikki Valdez, Geneva Cruz, Heaven Peralejo, Daryl Ong, at Liezel Garcia.

Credit: @loveangelinequinto instagram

Sa isang interview kay Boy Abunda sa kanyang online talk show na The Purple Chair Interview,
napagusapan dito na ang ama ay hindi galing sa showbiz at magkasama na sila nito for a year. Bagamat plano din naman ang kasal, sa ngayon priority muna nila ang kanilang baby.

Credit: @loveangelinequinto instagram

Nararamdaman din naman daw ni Angge ang takot. Pero, kahit ganon, excited daw siya at masaya sa blessing na ito.

“Tito Boy, excited na excited ako sa totoo lang. Parang ngayon lang din ako naging excited ng ganito ulit sa buhay ko. Pero kasi tito Boy, minsan siyempre hindi naman mawawala sa mga iniisip ko, paano bang maging nanay, di ba?” continued Angeline.

Credit: @loveangelinequinto instagram

“Ako naman kasi tito Boy, parang hindi na rin ako mah!hir@pan kasi ang daming mga nanay na malapit sa akin. At unang una siyempre tito Boy, napalaki naman ako ng maayos ng Mama Bob (her late mother). So ako, I’m sure na magiging mabuting nanay din ako sa magiging anak ko,” kwento ni Angeline.

Credit: @loveangelinequinto instagram

Kaya naman, wish ng lahat ang safe pregnancy at delivery ni Angeline.


Credit: @loveangelinequinto instagram