Angeline Quinto, pinakita ang nakakatuwang mga litrato ng kanyang cute na anak na si Baby Sylvio

Sweet na mensahe kaakibat nang larawan kasama ang kanyang baby Silvio ay binahagi ni Angeline Quinto— Filipino singer, actress, at ang winner nang Star Power: Sharon’s Search For The Next Female Pop Superstar noong 2011.

Credit: @loveangelinequinto instagram

Makikita sa latest Instagram ni Angeline Quinto ang kanilang mother and son photo sh00t na kanyang nilakipan nang isang heartwarming na message,

“My baby love @babysilvio” unang pasabi nito, “We are so lucky and blessed to have you in our lives, love love ka ni Mama at Papa!” caption nito.

Credit: @loveangelinequinto instagram

Sa larawan ay makikitang tangan ni Angeline ang kanyang cute and angelic na si baby Silvio, hindi nga makakaila ang pagiging tender and sweet nitong pagmasda, marahil dahil na rin sa pagiging munti nito sa bisig nang kanyang mommy Angeline.

Nakadilat nga sa kawala ang inosenteng mga mata ni Silvio habang nababalutan ng bath towel sa katawan habang minamasdan nang may buong pagmamahal nang kanyang ina, na may ngiti din sa mukha. Simple lang din ang background at tema na napili ang color pallete ng design ay tila creamer, coffee at milk na bumagay din sa kanilang color complexion.

Credit: @loveangelinequinto instagram

Nakasuot nga si Angeling nang brown dress na may open part sa malapit sa dibdib, sumakto naman sa tema. Ang larawan ay umabot na nga nang 24, 492 reactions at 116 comments, ito ay isang araw pa lang simula nang naipost. Nakatanggap naman ng iba’t ibang komento ang larawan, may nagsabi nang mga wishes at mga napansin na gaya nang kamukha nga daw ng daddy nito si Silvio, ang karamihan naman ay pinansin ang pagiging adorable ng bata.

Credit: @loveangelinequinto instagram

Kamakailan lang nang nanganak nga itong si Angeline kay Silvio noong myerkules, April 27. Si Silvio ang kanyang unang anak sa kanyang non-showbiz na asawa.

Credit: @loveangelinequinto instagram

Tunay nga na nag bibigay tayo nang panahon na i-capture ang ating mga panahon na gusto nating alalahanin gaya nitong ginagawa ni Angeline na makikita nga natin sa bawat post nga nya simula nang kanyang pagbubuntis hanggang sa kanyang journey sa delivery ay proud na proud nya itong idinodokumento at pinamamalita sa lahat.

Credit: @loveangelinequinto instagram

Pagkat oo nga naman, minsan lang ang bawat sandali na ito at nararapat ngang bigyan nang pahalaga at ang larawan ay ang isa ngang paraan para ma preserve ang ganitong memories.

Credit: @loveangelinequinto instagram