Anjo Yllana, nagpaalam at nagpasalamat sa mga dabarkads na nakasama nya ng mahabang panahon sa Eat Bulaga

Walang permanente sa mundo. Ito man ay tao, pangyayari o maging ang ating mga trabaho. Kung minsan, ay may kailangan tayong lisanin para matagpuan ang ibang bagay na nakalaan para sa atin.

Credit: Anjo Yllana Facebook

Sabi nga nila, sa bawat bagay na nagsadara ay may bagong mga oportunidad na magbubukas. Pero, kahit ano pa man ito ang mahalaga ay maging mapagpasalamat tayo sa ating mga nakamit.

Credit: Anjo Yllana Facebook

Malungkot na ibinahagi sa atin ng Eat Bulaga dabarkads host na si Anjo Yllanan ang kanyang pormal na pagsusumite ng resignat!on letter. Matapos ang halos dalawang dekada, ay opisyal ng natuldukan ang kanyang pagiging dabarkads sa kanyang resignation letter.

Credit: Anjo Yllana Facebook

Matagal tagal na ring naghohost si Anjo sa Eat Bulaga. 21 years na siya dito hanggang sa ipinahayag na ni Anjo ang kanyang pag reresign.Noong August 11, Martes nang nagpost si Anjo at nagpasalamat sa lahat ng mga nakasama at nakatrabaho niya sa longest running noon time show na Eat Bulaga.

Credit: Anjo Yllana instagram

Maraming pagkakaibigan, barkada at ala-ala ang nabuo ni Anjo kasama ang kanyang mga nakatrabaho dito sa loob ng halos dalawang dekada.“With a heavy heart… today, August 11, 2020 … I submit my res!gnation. Thank you, Dabarkads. Thank you ‘Eat Bulaga.’ 21 years and it was a blast. G00dbye and all roads to your 50th,” saad ni Anjo.

Credit: Anjo Yllana instagram

Makikita naman sa post na ito ang mga larawan kasama ang mga cast at management ng Eat Bulaga. Sabi pa sa post, mabigat daw talaga ang puso ni Anjo at naisumite na niya ang kanyang resignation letter.

Credit: Anjo Yllana instagram

Bumuhos naman ang suporta at nagpasalamat ang kanyang mga kapwa celebrities at mga dabarkads din para kay Anjo. Ilan sa mga nag komento ay sina Paolo Ballesteros, Nadia Montenegro, G Tongi, Janno Gibbs, at Ogie Alcasid. Samantala, maging mga netizens at fans ay nabigla din sa anunsyong ito ni Anjo. Pero, ano man ang desisyon ni Anjo ay suportado sila dito.