Mabilis nga ang paglaki ni baby Dahlia at marami na itong kayang gawin, gaya nalang ng paglalaro at pag-gapang, kaya naman nabanggit ni Anne na nah!rapan ito sa pagkuha ng mga larawan ng gawin nila ang DIY photoshoot para sa monthly celebration ni baby Dahlia.

Mapapanood sa video na curious na rin si baby Dahlia sa kanyang mga nakikita sa paligid. At mapapansin rin na naka focus ito habang pinapanood ang kanyang Daddy Erwan Heusaff na naghih!wa ng carrot.

Mahilig na rin si Dahlia sa mga solid food, at marami na rin itong natitikman na pagkain.

Nagpapaliksahan pa nga ang mag asawang Anne at Erwan sa paghahanda ng masarap na pagkain para kay baby Dahlia. At nag eenjoy naman si Dahlia dahil nakakatikim na ito ng ibang pagkain. Minsan naman ay kapag ayaw ni Dahlia ang lasa, ay kinakalat nya nalang ang pagkain.

Lagi naman nagbibigay ng update pamilyang Heusaff tungkol kay baby Dahlia, noong Halloween nga ay nagbahagi si Anne sa instagram kung saan naka costume si Dahlia bilang isang fairy at nakasuot ng yellow dress.

“Our little fairy making all our wishes come true. Happy 1st Halloween little Dahlia Amélie. Happy Halloween everyone!” Sabi ni Anne sa Caption.
Proud parents nga sina Anne at Erwan at laking tuwa nila sa mga bagay na nagagawa na ngayon ni baby Dahlia na parte ng kanyang paglaki.

Matatandaang March 2, 2020 ng isilang ni Anne si baby Dahlia sa Australia.
Sa interview nga nila sa M0nster radio, Sinabi ni Erwan ang kanilang plano na uuwi sila ng Pilipinas matapos ang tatlong buwan simula ng manganak si Anne. Ngunit hindi nga sila natuloy sa kadahilan ng pand3mya. Kaya naman nanatili nalang ang mag pamilya sa Australia habang Qu@rantine period.