Anne Curtis at Solenn Heussaff, kinagiliwan ng mga netizen dahil sa kanilang nakakatuwang litrato

Gamit ang social media, ini-reveal ni Anne Curtis ang business nilang dalawa ni Solenn Heussaff. Sa isang Instagram post ni Anne, may ibinahagi siyang picture nilang dalawa ni Solenn kung saan masasaksihan sa dalawa ang mga malaki nilang mga ngiti. Ang dalawang tanyag na celebrities ay magsister-in-law na parehong ganap nang mga ina.

Credit: Anne Curtis instagram

Sa post ni Anne ay makikita ang caption niya na, “Love hormone overload. Finally, we are sharing @tilidahli with you today at 12nn! 💫 We are soooooo excited!”. Bago pa man ito ay may nauna nang ibinahagi si Anne sa kaniya ring Instagram account na isang picture na konektado sa nasabing post. Ang mga ito ay nagsilbing mga pasilip at promotion sa kanilang business.

Credit: Solenn Heussaff instagram

Ang business na ini-launch ng dalawang celebrity moms ay isang baby clothing brand na ipinangalan sa kanilang mga baby girls. Ang Tili Dahli ay isinunod sa pangalan nina Thylane Katana (Tili) na anak ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico at Dahlia Amelie (Dahli) na anak naman ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Credit: Solenn Heussaff instagram

Sa ngayon ay wala pang physical store ang business kaya online store ang kasalukuyang ginagamit sa pagpapatakbo rito. Ayon sa tagline ng nasabing business na “Thoughtful essentials for your little one”, aasahang ang mga produkto sa store ay damit para sa mga babies at toddlers.

Credit: Anne Curtis instagram

Nabanggit ni Anne na isang taon rin ang naging paghahanda bago naganap ang launching ng clothing brand na ito. Ang kanilang first collection ay 100% organic at Global Organic Textile Standard (GOTS) Certified. Kung bibisitahin rin naman ang Instagram account ni Solenn ay ibinahagi niya rin sa kaniyang mga taga-suporta ang launching ng kanilang clothing line.

Credit: Anne Curtis instagram

Masasaksihan naman sa comment sections ng mga nasabing posts ang pagdagsa ng suporta ng mga tao lalo na ng mga kaibigan nilang celebrity moms. Bukod sa pagiging tanyag at mahusay nilang mga indibidwal sa industriya ng showbiz, ang dalawa ay kilala na rin talaga pagdating sa kanilang mga naunang pag-aaring businesses.

Si Anne ang owner sa cosmetic brand na BLK at co-owner naman sa activewear line na Recess habang si Solenn naman ay may lifestyle brand na Solenn Manila. Ang dalawang celebrity business owners ay matagal nang magkaibigan. Lalong tumatag at lumalim ang koneksiyon nila sa isa’t isa nang makarelasyon ni Anne si Erwan Heussaff na kapatid ni Solenn.