Anne Curtis, ibinahagi kung magkano ang kanyang talent fee nung sya ay naguumpisa palang sa showbiz

Kilala si Anne Curtis bilang isa sa mga artistang kumikita ng napakalaki dito sa Pinas. Kaya naman, sa isang panayam ni Anne sa Manulife Philippines sa isang webinar na “Ready, Set, #Goals,”ay inilahad niya ang kanyang talent fee noong siya ay nagsisimula pa lamang.

Credit: Anne Curtis instagram

“I was fairly young. Ang talent fee ko P1,200,” kwento ni Anne. At dahil sa panahong iyon ay bata pa siya at hindi pa siya masyadong marunong humawak ng pera, ang kanyang mga magulang ang humahawak at sinasave ang mga ito para sa kanya.

Credit: Anne Curtis instagram

“When I was 12, of course, I did not handle my finances at the time. My parents were the ones who were setting aside all of my savings,” saad ni Anne.

Credit: Anne Curtis instagram

Kaya naman, nang siya ay maging legal age na ay mismong ang kanyang mga magulang naglipat na nito sa kanya para siya na ang mag manage at matuto din siyang humawak ng pera.

Credit: Anne Curtis instagram

“It was only when they turned it over to me at the age of 18 that I really got to be hands-on with my own money and savings. But before they turned it over to me, they did teach me about the way of life and how to save…so that when they turned over my savings, I was prepared,” kwento pa ni Anne.

Credit: Anne Curtis instagram

Naibahagi din ni Anne kung paano siya nagbibigay ng quota sa kanyang sarili sa gabay naman ng kanyang road manager.

“Siyempre when you have a quota, hindi mo dapat tinitipid yung sarili mo. You set a reasonable and attainable quota for yourself and once you reach that, that extra money that you have, that’s when you can spoil yourself a little bit more,” saad ni Anne.

Credit: Anne Curtis instagram

Bukod naman sa savings at sa mga bagay na gusto niyang bilhin, isa naman sa mga pinaglalaanan ni Anne ng kanyang pera ay mga charity works na nakakatulong sa iba.

“When I first came up with BLK, everyone knows how much I love lipstick, how much I love cosmetics. I really wanted to come up with my own brand that would reach out to my fellow Filipinas and something that was attainable for them, so that’s why I started that business,” kwento pa ni Anne.

Kaya naman, hindi na nakapagtataka kung bakit talagang pinagpapala at bumubuhos ang blessings sa buhay ni Anne.