Anne Curtis, kinagiliwan ng fans dahil sa twinning swimsuits nila ng kanyang baby na si Dahlia

Bawat buwan, isa sa mga lagi nating nakikita sa IG at social media ay ang monthly birthday celebration ni Baby Dahlia, ang anak ni Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Matatandaang noong March 2, ay naisilang ni Anne si Baby Dahlia sa Australia. Noong nakaraang taon, ay talaga nga namang malaking blessing ang dumating sa kanilang dalawa ni Erwan.

Halos tatlong taon matapos nilang magpakasal noong November 2017 ay dumating na nga ang kanilang pinakaaasam asam na regalo na si Baby Dahlia.

Ngayong nasa ika sampung buwan na ng kanyang edad si Dahlia, ay makikita ang kanyang napakacute na beach photo sa IG. Ito ay isang snap shot photo nila sa Hayman Island noong Martes, January 2.

Nasa Australia man sila, ay randam na ramdam mo nga naman ang init ng selebrasyon na mayroon sila lalo na at New Year at 10th month birthday celebration ni Dahlia. “Happy New Year and Happy 10th month to our little Dahlia. May 2021 be filled with kindness, love and peace. Wishing you all love and light and this new year takes flight. Big hugs and kisses to all of you,” saad ni Anne.

Sa caption ni Anne, ay makikita ang kanilang mga wishes na puno ng pag-ibig at kapayapaan. Kung noon daw ay fresh flowers, sa ngayon ay disenyo muna na bulaklak ang gagamitin nila.

“Since we can’t get our hands on fresh flowers right now, we’ll have to settle for flowers on our twinning sw!msuits. Our monthly tradition will have to wait till next week. Oh and HAPPY 16 million followers!” dagdag pa niya.

Masayang masaya din naman si Anne na ibinalita sa lahat na mayroon na silang 16 million followers.
Ang galing nga naman napakadami na nga namang sumusubaybay at sumusuporta sa kanila. Nakakagood vibes din naman kasi talaga ang kanilang mga posts at mga pictures.